Chapter 26

243 13 53
                                    

Chapter 26



It feels like I'm just talking to myself. Pati ang boses ko, kuhang kuha niya. Ang bawat parte ng mukha niya, kamukhang kamukha ko.

And until now, naguguluhan pa din ako sa sinabi niya. What long lost twin sister is she saying? Wala akong kambal! Gusto kong isigaw sa kanya iyon pero nanatili akong tahimik.

Nahlline is her name, malapit pa iyon sa pangalan ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya 'yon, or iyon talaga ang totoo niyang pangalan.

"Finally, we've met after so many years…" she then smirked.

Napailing ako. "Who the fuck are you? And why are you pretending to be me? At ginaya mo pa talaga ang mukha at boses ko!"

Malakas siyang natawa kaya mas lalo lang kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko talaga, nananaginip lang ako. Posible ba itong nangyayari ngayon?

"Anong ginaya ko? Wala akong ginaya, Philline. Kasi, ito talaga ang mukha at boses ko. At anong pretending to be you? We're twin sisters, remember?"

"Twin sisters, your ass!" singhal ko.

"Oh, probably you won't remember me. Kailan ba ang huli nating pagkikita? Oh, when we're one year old only. Paano nga naman natin matatandaan ang isa't isa? Pero ako, tandang tanda kita. How can I forget you who stole everything from me?"

Napailing ulit ako, mas lalo lang naguguluhan sa sinasabi niya.

"What? Anong nagkita na tayo before…"

She sighed. "Bakit hindi mo itanong sa magulang mo? Or should I say, sa magulang natin?"

"Nababaliw ka na ba!?" sigaw ko.

"Yes, call me crazy, because that's who I am."

"Magulang natin? Pati ba naman iyan, aangkinin mo!?" pasigaw na tanong ko.

"Sinasabi mo iyan kasi wala kang alam sa katotohanan. Just call your stupid parents so you can know the truth. Or gusto mong ako na lang ang magsabi sa'yo? Puwede naman, pero mas maganda kung sa kanila mang-gagaling mismo." she smirked.

"And who are you to say that? Malay ko ba kung sino ka para pagkatiwalaan ko. You're just pretending to be me, that's all. And I don't know your motive for why you're doing that."

"Just call them para malinawan ka! And also, I badly want to meet them… again." she slowly said.

Magsasalita pa sana ako nang saktong lumabas sa bahay si Mommy. Agad siyang lumapit sa'kin para kumustahin ako. Tinanong pa nito kung sinong kaaway ko, hanggang sa napatingin siya sa babaeng nasa harapan ko.

I looked at my mom's reaction, kitang kita ko kung paano nalaglag ang panga niya. Naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa braso ko.

"Nahlline?"

Kumunot ang noo ko at gulat na napatingin kay Mommy. Don't tell me… this girl was telling the truth!?

"Hi, Mom! It was nice seeing you again. Bakit hindi mo kumustahin ang inabandona mong anak?" Nahlline asked while smiling.

Inabandona? What? I really don't get what's happening right now! Napatingin ulit ako kay Mommy na ilang beses na napakurap kasabay ng paglaglag ng luha sa mga mata niya.

"You're still alive…" my mom slowly said.

Nagpabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Para akong nawiwindang!

"Yes, I am, Mom. And I never die, anyways. Hmm, so kumusta naman ang mommy ko na inabandona ako when I was one year old only? Oh, why did I know that? Of course, I have my sources!"

Kulayan Natin (Munimuni Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon