Chapter 30

255 13 23
                                    

Chapter 30



Seeing Veslei giving Brianna the same cat as mine… hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Siguro, pinag halong sakit at pait.

Napangiti na lang ako habang pinapanood silang dalawa sa hindi kalayuan na nagkakatuwaan habang nilalaro ang bago nilang pusa.

I then stared at Lacey. Naabutan ko siyang nakatingin sa tinitignan ko, kalaunan ay napalingon ito sa'kin na para bang nararamdaman ang nararamdaman ko.

"Bakit parang lagi kitang naaabutang nakatingin kay Veslei?" nagulat ako nang mapansing nasa likod ko pala si Filmor, ang isa sa mga anak ni Tita Bella.

Bumuntonghininga ako. "Bakit?"

"Napansin ko lang. Ano mo ba siya? Ex?"

Hindi ako sumagot at nanatili lang nakatitig sa kawalan.

"Or baka may gusto ka sa kanya? Alam mo namang may girlfriend na iyong tao, hindi ba? Fiancé pa nga." dugsong niya.

"Wala akong gusto sa kanya, at hindi ko siya kilala."

"Pero bakit gan'yan ka makatitig sa kanya?" malisyosong tanong niya.

Bigla akong kinabahan. Halata ba sa mga titig ko kay Veslei na nasasaktan ako? Natatakot akong baka hindi lang si Filmor ang makahalata no'n.

Nakahilata ako sa kama habang nakikipag video call kila Iona. Nang bumalik ako sandali sa Manila, kinuha ko na ang phone ko para magkaroon ng access sa mga pamilya at kaibigan ko.

"Ha? Tang ina niya pala, e!" sigaw ni Iona nang sabihin ko sa kanila na nandito si Veslei.

"Tapos binato ka ng pera? Si Veslei ba iyan? Red flag 'yan sa ating mga babae, gosh!" si Lindsay.

"Dapat d'yan, hindi na hinahabol or sinusundan pa. Umalis ka na lang d'yan, hindi ka naman nagkaroon ng peace d'yan, eh! Alam mo kung ano? Bangungot!" sabi ni Herbert.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanila or ano. Pero kahit paano, medyo gumaan ang loob ko nang makausap sila. Medyo nawala rin ang sakit at pait sa katawan ko.

Tama si Lindsay sa sinabi niya. Hindi ko nga din alam kung bakit ko pa nasisikmurang kausapin si Veslei pagkatapos ng mga gumawa niya sa'kin.

Naisipan kong magdilig ng halaman sa labas. Ang dami kasing mga iba't ibang halaman dito na inaalagaan ni Tita Bella. Nakakahiya naman kung hindi ko aalagaan.

Mula sa sulok ng mga mata ko, nakita ko sila Veslei at Brianna na nandoon sa field at kung anong mga laro ang ginagawa. May voleyball net kasi doon at puwedeng mag laro ng mga kung ano ano.

Nandoon din sila Filmor at ang iba ko pang mga pinsan sa side ng mommy ko. Tinawag nila ako kaya wala na akong nagawa at lumapit sa kanila.

"Laban tayong dalawa, Philline? 1v1 tayo?" hamon sa'kin ni Brianna.

She's wearing a black short and a black crop top, samantalang ako, nakasuot lang ng maong shorts and simple t-shirt. May suot din siyang knee socks.

"Sure,"

Napatingin ako kay Veslei na naabutan kong nakatingin sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanya.

Umalis muna ang ibang mga tao sa gitna at naiwan kaming dalawa ni Brianna sa gitna. Paunahan daw makakuha ng mataas na scores.

"Anong makukuha ng panalo?" tanong ko.

"If I win, Veslei will treat me to something." Brianna smirked.

"At kapag ako ang nanalo?"

"Edi ikaw ang treat ni Veslei, para same na lang." sabi ni Filmor.

Napalingon ako sa kanya sandali. Kinindatan niya ako kaya napakunot ang noo ko.

Kulayan Natin (Munimuni Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon