Chapter 27
There's too many questions about myself that I can't even answer. Like, where is he? Why did he suddenly disappear like a bubble? Bakit nawalan na lang ako ng balita sa kanya isang araw?
"Anong balita?" tanong ko kila Iona matapos ang ilang buwan.
"Ang balita, nakulong na raw si Nahlline. Tapos, totoo nga na buntis siya." sagot nila.
Bumuntonghininga ako. "Nasaan si Veslei? Noong nakaraang linggo, pinauwi ko na siya kaya ilang araw ko na siyang hindi nakikita ngayon."
"Bakit mo hinahanap? Ikaw, ha! Alam naman naming lahat na mahal mo pa rin siya kahit nag break na kayo." kantyaw nila sa'kin.
I sighed. "I cared for him,"
"Pero wala na kaming balita sa kanya matagal na. Hindi nga namin alam, e. Iyong café niya, pinasarado na sa hindi namin alam na dahilan. Parang bigla na lang siyang nag laho." sabi ni Lindsay.
Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit niya pinasarado bigla?"
"Hindi din namin alam, basta pagkatapos ng ilang linggo, bigla na lang siyang nawala."
Napatitig ako sa kawalan at agad na binababa ang tawag.
At iyon ang huling balita ko sa kanya.
It has been 5 years since we broke up. I stared at the ring that I'm wearing and at the necklace on my neck that he gave me before.
Where is he? Bakit bigla na lang siyang nawala? Bakit bigla na lang siyang hindi nagpakita?
Alam kong ang kapal ng mukha ko ngayon para hanapin pa siya, kung ako naman ang nagtulak sa kanya palayo. But… hindi maiiwasan na mag-alala ako para sa kanya.
Limang taon ang nakalipas, nito ko lang nalaman ang buong katotohanan. When I visit Nahlline on the prison, kita ko sa kanya ang lubos na pagsisi. Inamin niya din sa'kin na hindi si Veslei ang ama ng dinadala niya, at na wala naman talagang nangyari sa kanila.
She did it para masiraan kaming dalawa, and she successfully did it.
I'm now a prosecutor. My dreams finally come true because of me and the support of my family and friends that they gave me. Kung wala sila rito, paniguradong hindi ko makakamit ang trabahong ito.
I was so happy when they announced that I'm now a prosecutor. Nakapasa ako sa bar exam namin. Sobrang tuwa ko nang malaman iyon. Sinabi ko din agad 'yon kila Mommy at tuwang tuwa sila para sa'kin.
But I feel incomplete. I know… there's something that stopping me from being happy.
I then sighed heavily. Sa bawat okasyon at achievements na dumadating sa buhay ko, lagi akong napapatanong sa sarili ko. Nasaan siya? Bakit hindi na siya nagpakitang muli sa'kin? Sumuko na ba siya? Then bakit pati ang mga kaibigan ko, wala na ring balita sa kanya?
Lumipad ba siya papuntang ibang bansa? Then kung ganoon, nasaan siya? Bakit siya nandoon bigla? What totally happened?
How is he now? Nakamit niya na din ba ang pangarap niya?
I remember before when I asked Veslei kung anong pangarap niyang work, at ito ang sinagot niya sa'kin.
"Pilot. I want to be a pilot." he answered me with a smile.
Tipid akong ngumiti. Pilot na kaya siya ngayon? I don't know. Gusto kong malaman. Gusto kong matuwa sa kanya at sabihan siya ng congratulations at deserve niya ang mga achievements na nakakamit niya sa buhay.
Pero… wala na talaga akong balita sa kanya na kahit ano. Kahit nandito ako sa Australia, sinusubukan ko siyang hanapin sa social media pero not found lagi ang lumalabas.
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomanceMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...