Chapter 32
"Gusto ko na talagang sabihin kay Veslei ang totoo, Jacobe! Kating kating na ang dila ko. Halos mabuking na nga niya ako noong isang araw." sumbong ko kay Jacobe.
"Then, bakit hindi mo pa sinabi sa kanya?"
"I was about to tell him, pero… nawindang ako sa kanya. 'Yong tingin niya kasi sa'kin. Basta!" pinilig ko na lang ang ulo ko.
"Edi sabihin mo na sa kanya kapag tinanong ka ulit. Ikaw na ang bahala." walang emosyon niyang sagot.
I sighed. "Paano kung may mangyari na naman sa kanya?"
"Besides, lagi naman nang nangyayari 'yon kay Veslei nitong mga nakaraang araw. Probably, may progress na sa kanya." sabi ni Jacobe.
"Kahit paunti-unti siyang maka-alala, ayos na sa'kin 'yon…" I then smiled.
"You really love him," he stated.
"I do. And I never fall out of love." sabay bumuntonghininga ako.
Matapos naming magkausap ni Jacobe. Nanatili na lang akong nakatingin sa kawalan.
Hindi ko pa rin makakalimutan iyong nagpunta ako sa bahay nila para alagaan si Veslei. That time, halos malaman na niya ang totoo. Mabuti na lang at may tumawag sa'kin kaya naka-ligtas ako kaagad.
"Hinay hinay lang sa inom, Philline." paalala sa'kin nila Iona.
Bawat alak na nakikita ko kasi sa harapan ko, tinutungga ko. I want to drink a lot, so that I can forget my problems. Kahit na alam kong hindi alak ang susi para sa problema.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na umiiyak sa hindi malamang kadahilanan. Agad akong dinaluhan nila Iona.
"Anong nangyari, Philline?"
"Si Veslei…" hagulgol ko.
"Oh, anong meron sa kanya?" si Herbert na nag-aalalang lumapit sa'kin.
"He forget me… he… he had an am—" hindi na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lang akong sumuka sa sahig.
Naramdaman kong agad akong inalalayan nila Iona. Namilog ang mga mata ko nang biglang may bumuhat sa'kin. Akala ko sila Herbert iyon, pero mali ako.
Kinusot ko pa ang mga mata ko para matignan kung namamalikmata lang ba ako or hindi.
It was Veslei, indeed.
What is he doing here?
Dahil sa hilong nararamdaman ko, humawak na lang ako sa leeg niya habang buhat niya ako in a bride style way. Naramdaman ko kalaunan na pinahiga niya ako sa isang malambot na upuan.
"Veslei? Paano mo nalaman na nandito ako?" takang tanong ko habang nakapikit at nakahiga sa loob ng kotse niya.
I heard him sighed. "Hindi na importante 'yon, Philline. Why are you drunk? And may kasama pa kayong lalaki. Don't you know that it's scary?"
"Si Herbert 'yon, kaibigan ko. Atsaka, anong scary ka d'yan?"
"Hindi mo alam kung anong nagagawa ng lasing. Kahit pa na kaibigan mo 'yan." madilim na sabi nito.
I chuckled. "Talaga lang?"
Sinubukan kong asarin siya. Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko siya sa harapan na madilim ang tingin sa'kin.
"Anong talaga lang, Philline? Makinig ka nga sa'kin." madiing sabi niya.
"You're acting like you're my boyfriend,"
Naramdaman kong natahimik siya roon. Dinaan ko na lang sa tawa para hindi na awkward.
"Saan ba kita dadalhin? I don't know where your house is."
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomanceMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...