Chapter 15
The smell of the hospital brings back memories. I used to always go there when I was still a kid. I remember before when I was still sick. Pabalik balik ako sa hospital noon, kaya halos lahat ng Doctor dito, kilala na ako.
"It's nice to see you again here, Philline." the nurses greeted me
I smiled back and greeted them. I didn't expect na hanggang ngayon, kilala pa din nila ako. Nandito pa din sila hanggang ngayon at tumutulong sa mga taong nangangailangan.
"Philline! What brings you here? We missed you so much!" another bunch of nurses greeted me again.
I smiled. "Don't worry, I'm not here because I'm sick, I'm here because of my dad."
They sighed in relief.
"Get well soon to your dad, Philline." sabay ngumiti sila sa'kin.
I then looked at Veslei, kanina pa siyang nasa likod ko at nakatitig lang sa kawalan. Wala siguro siyang alam kung bakit kilala ako ng mga nurse at doctor dito.
"Why are you not asking?" Alam kong kuryoso na siya at halata sa kanya na nahihiya lang siya.
He sighed. He then put his two hands in his pocket.
"Why?" he asked.
I sighed. "I used to go here before," panimula ko.
Kumunot ang noo niya lalo.
"Bakit?"
"I'm sick when I was a kid, siguro mga seven years old ako that time." kwento ko.
He nodded. Umupo muna kami sa may bench roon para makwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin noon.
Actually, wala pa akong napagsasabihan nito sa mga kaibigan ko, because I'm not really comfortable. And I don't know why when it comes to Veslei, I'm always comfortable.
I smiled at him. "I had a brain tumor before…"
His jaw dropped in shock. Napailing na lang ako, inaasahan ko na iyong reaksyon niya na iyon. Sino nga naman bang mag eexpect na nagkasakit ang isang taong katulad ko? I mean, hindi iyon halata sa pangangatawan ko. I really looked healthy now, but not before…
"Hindi ko din alam kung bakit ako nagkaroon ng ganoon. Bigla bigla na lang. And that time, sobrang bata pa ako. I undergo a chemotherapy, naubusan ako ng buhok, sandali akong nawalan ng memorya. But a miracle happened… after kong magpagamot, hindi ko inaasahan na balang araw, gagaling pala ako." kwento ko.
Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang sinasabi 'yon.
"It's so hard and suffocating. My dad is always here by my side, pero may mga araw na puro nurses lang ang nakakasama ko sa isang kwarto dahil busy si dad para bantayan ko. I was confined for almost a year. It sucks, right? Who would have thought na mabubuhay pa ako?" I then sighed heavily.
"Philline…" Veslei then held my hand tightly.
"Noong gumaling ako, naisip ko na, ah siguro hindi ko pa time. May plano pa Siya sa'kin. Sa mga araw na lumalaki na ako, madami akong realization na naisip bigla. That we only live once. If we can get that thing, if we can buy the thing, why not we get it and buy it if we can naman, hindi ba? Kaya lumaki ako na spoiled kay Dad, dahil gusto ko, bago man ako mawala sa mundong 'to, gusto kong makuha ang lahat ng gusto ko."
"Philline, don't say that…" napailing siya sa'kin.
I chuckled. "Tama naman ako, Veslei. We don't know what will happen the next day, next month, or for the next few years. Kaya if we are given a opportunity, kunin na agad natin ito. As long as wala naman tayong natatapakang tao, hindi ba? Kaya ayos lang iyon."
![](https://img.wattpad.com/cover/258380731-288-k414103.jpg)
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomansaMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...