Chapter 6
"Happy 18th birthday, Philline!" my Mom greeted me pagkagising ko ng umaga.
Medyo naalimpungatan pa nga ako. Ang ganda na sana ng panaginip ko when my Mom suddenly woke me up. Napabangon na lang ako sa kama at hinipan ang kandila sa cake.
Today is my 18th birthday. Sa katunayan, ang plano ko noong una, sa Australia ako magce-celebrate, pero hindi na nga iyon natuloy dahil ayaw pa akong pauwiin ni Dad sa amin.
"Maghahanda kami para sa birthday mo, nag-luto ako ng mga pagkain. You can invite your friends if you want." sabay ngumiti sa akin si Mommy.
I smiled back at her. Muli kong naalala ang sagutan namin noong nakaraang linggo lang. After that happened, mas lalo lang akong nailang sa kanya.
After I texted my friends, wala pang ilang minuto ay nandito na agad sila. May dala dala pa silang regalo para sa akin. Isa isa ko na lang silang pinasalamatan.
"Legal age ka na rin, sa wakas! Ano, puwede na tayong uminom n'yan?" sabay kuwit sa akin ni Herbert.
Tinawanan ko siya. Actually, it was an good idea. Dahil nasa legal age na ako, puwede na nga akong uminom. And of course, I will do it with my friends.
Ganoon nga ang nangyari, after we ate foods in our house, agad nila akong inaya na pumunta raw kami sa bar para makainom. Na-excite tuloy ako bigla. This will be my first time drinking alcohol, at hindi ko sigurado kung sanay ba ang katawan ko roon.
Binigyan nila ako ng isang shot glass na may lamang alcohol. Prente lang akong nakaupo sa couch. Sila Iona ay inom na nang inom ng alak, para bang sanay na sanay na sila roon.
They were all on legal age now, ako na lang ang hinintay nila, kaya tuwang tuwa sila nang sa wakas ay makakasama na nila ako sa pag-iinom nila together.
Agad na nanuot sa katawan ko ang pait pagkatapos kong inumin ang alak na 'yon.
"Kaya pa, Philline?" sabay kuwit sa akin ni Iona.
Tumango ako. Ganito pala ang lasa no'n? At first, napapaitan pa ako, but after how many shots, medyo nasanay na rin ang katawan ko, kaya naka-ilang shot ako ng alak.
I sighed heavily. Nang sinubukan kong tumayo, halos bumagsak na ako sa sahig. Agad lang akong inalalayan nila Iona.
"Mababa yata ang alcohol tolerance mo," pansin sa'kin ni Iona.
Napailing na lang ako sa kanila. I drink more shots, hanggang sa maramdaman ko na lang na lantay gulay na ako. Pa-gewang gewang na ang lakad ko ngayon. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa labas na ng bar.
Agad kong kinuha ang phone ko. I then texted Denise at sinabi ko sa kanyang sunduin na niya ako dito sa bar.
While waiting for her, naupo muna ako sa gutter ng daan. I then looked at my surroundings. Ma'syado yata akong napalayo sa bar. Akmang lalakad na sana ako nang makarinig ako ng isang boses.
"T-Tulong…"
Napakunot ang noo ko. Out of curiosity, sinundan ko kung saan nang-gagaling ang boses na iyon. Bukod sa boses, nakakarinig din ako ng igik at singhal na parang may nasasaktan?
Hanggang sa makarating ako sa madilim na parte ng lugar. Umawang ang labi ko nang may makita akong isang lakaking naka-handusay sa may batuhan habang duguan ang katawan nito.
Wala sa sariling napatutop ako sa bibig ko. I was about to step backwards nang bigla siyang mapatingin sa akin.
"Tulong…" That's what he said.
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomanceMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...