Chapter 33
"You're diagnosed with a brain tumor again, Philline." the doctor said.
Dahil nga nandito ako sa ospital dahil pinuntahan si Veslei, pumunta na rin ako dito para magpa-check up ng kalagayan ko. Pakiramdam ko kasi, malala na talaga.
Nitong mga nakaraang araw, hindi lang pagsusuka ang nangyayari sa'kin. Madalas, nawawalan ako ng malay sa sarili kong kwarto at walang nakaka-alam no'n kundi ako lang.
Naisip ko na ito noon na, what if bumalik ang sakit ko?
And indeed, bumalik nga.
Seriously, I don't know how to react. Nang sabihin iyon ni Doc. Paloma, ang doctor ko din noong na-diagnosed ako noong bata pa ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Bakas ang kalungkutan sa mukha niya.
I was prepared for this. Sabi ko nga, naisip ko na ito noon. But… hearing those words again for the second time in my life… I just smiled bitterly.
"Puwede po pa lang bumalik ang tumor sa brain ko?" nahihirapan kong tanong.
Tumango siya at may pinakita sa'kin na ct scan kung saan nandoon pinakita na may namumuo na namang tumor sa utak ko.
"Possible talaga na bumalik ang tumor sa utak mo, lalo na at nagkaroon ka na nito before." he said.
Bumuntonghininga ako. "How many days am I going to live?"
Kahit sobrang bigat sa kalooban ko, nagawa ko iyong tanungin sa doctor ko. Kung noong bata pa ako, wala akong muwang nang malaman kong may sakit ako. But now I already know what it means and what could possibly happen to me.
"You only have 200 days to live,"
200 days.
Parang biglang nawala lahat ng bagay sa paligid nang marinig ko iyon.
It means, I only have 6 months and a half to live in this world.
"Philline, malala na ang tumor na nasa utak ko. And if hindi pa ito maaagapan, mas lalo lang itong lalala. Kaya, I suggest you undergo chemotherapy."
I sighed. "Doc, hindi po ba lalala mismo ang tumor ko kung magpapa-ganoon pa ako?"
"It depends, Philline. Pero if you undergo chemotherapy again just like what they did to you before, may chance na gumaling ka pa."
"Pero kung hindi? Mamamatay na ako?" wala sa sariling tanong ko.
Hindi sumagot ang doctor pero nakita kong tipid siyang tumango.
"If I'm going to die, then so be it. Wala na akong pakialam. Sa ngayon, wala na akong kinatatakutan kahit na kamatayan pa 'yan." panatag kong sabi.
Ang kinakatakutan ko lang naman dito ay ang maiwang mag-isa ang mga mahal ko sa buhay, especially Veslei.
"Hindi mo ba sasabihin sa family mo ang about rito?" he asked.
Umiling ako. "No. And as much as possible po sana, Doc. If you've ever see my parents, or Denise, huwag n'yo po sanang sabihin sa kanila ang tungkol sa kalagayan ko."
"Why?"
Even my friends and Veslei, ayokong malaman nila ang tungkol sa kalagayan ko. I just want to keep it for myself.
"Ayoko na silang mag-alala pa sa'kin. All I gotta do now is to make the most of my time with my loved ones." sagot ko.
Sandali akong tinitigan ni Doc. Paloma. May pag-aalinlangan sa mga mata niya pero kalaunan ay tumango ito.
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomanceMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...