Chapter 16
"Delikado na kung magmamaneho pa kayo ng sasakyan n'yo ngayon dahil madulas ang daan. Dito na lang kayo hanggang bukas ng umaga, ha?" sabi pa ni Mommy sa kanila.
Napairap na lang ako sa kawalan. May dala namang damit ang dalawang lalaki kaya wala na daw iyong problema sa kanila. Nang pumasok ako sa kwarto ko, pumasok na din si Veslei.
Binato ko lang siya ng comforter na agad niya namang nasalo.
"Ayaw mo bang dito ako matulog?" tanong niya.
Umirap ako. "Paano kung sabihin kong oo?"
"Wala ka namang magagawa. Dito ako pinatuloy ng mommy n'yo."
Humiga na lang ako sa kama ko. Nakapag-palit na ako ng damit. Kahit na hindi ko naman hilig ang pajamas and t-shirt, ito pa din ang sinuot ko. I don't want to wear a satin dress, knowing na nandito si Veslei!
Nagpanggap na lang ako na tulog para hindi na niya ako gambalian pa. Nga lang, nang saktong makalabas siya sa banyo, hindi ko napigilan ang mga mata ko na ibuka iyon at tignan si Veslei.
He's wearing a white sando and a black shorts only. Humiga na lang siya sa comforter na nasa ibaba ko lang.
"Goodnight!" masiglang sabi ni Veslei sa'kin.
Pinatay na niya ang ilaw at ang tinira lang ay ang ilaw mula sa lamp. Matutulog na sana ako pero hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog sa hindi malamang kadahilanan.
Dahil ba nandito si Veslei kaya ganoon?
Suminghap ako at pinikit na lang ng mariin ang mga mata ko. Kaya lang, kahit anong gawin ko, hindi talaga ako makatulog.
"Hindi ka din makatulog?"
Nagulat ako nang pagkalingon ko sa kanan ko, nakabangon na pala si Veslei sa comforter. Nakaupo lang siya roon habang nakatuod ang braso niya sa kama ko.
"The fuck?" gulat na sabi ko.
He chuckled. "Alam mo kung anong ginagawa ko kapag hindi ako makatulog?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. Kuryosong malaman kung anong ginagawa niya, baka kasi makatulong iyon sa'kin.
"Magbibilang ako sa isip ko, from 1-1000 habang nakapikit." sagot niya.
"And sa tingin mo, gagana iyon sa'kin?"
He shrugged. "Wala namang masama kung susubukan mo,"
Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at sinunod ang sinabi niya. And guess what, I already fell asleep. Hindi ko na namalayan ang sarili ko kung hanggang saang number ako inabot.
Nagising lang ako noong madaling araw nang makaramdam ako ng lamig. Ididlat ko na sana ang mga mata ko nang maramdaman kong may nag-balot sa akin ng isang comforter. And I think I already know who it is.
Pawis-pawisan ako nang bumangon ako sa kama. I just had a nightmare. Base roon sa panaginip ko, hinahabol ako ng kung sino. Kung hindi lang ako nagising sa tawag sa'kin ni Veslei, baka kung ano nang nangyari sa'kin.
"Philline, I'm glad you're awake already. I'm so worried when you're panting earlier." sabi nito sabay inabutan ako ng isang baso ng tubig.
Ilang beses akong bumuntonghininga, hanggang ngayon ay hinihingal pa rin ako. Bigla akong natakot. Ayoko na iyong mapanaginipan. Na trauma ako bigla.
Nang mapatingin ako kay Veslei, bigla ko na lang siyang niyakap. Batid kong medyo nagulat siya sa ginawa ko, pero niyakap niya din ako pabalik at hinagod ng ilang beses ang likod ko.
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
RomanceMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...