Chapter 21

203 13 35
                                    

Chapter 21



"I'm sorry, Veslei. Alam kong busy ka, tapos inabala pa kita rito…" paumanhin ko sa kanya.

Dahil nga lasing na lasing na ako, dinala niya ako dito sa bahay nila. As usual, wala naman siyang kasama kaya ayos lang. Nga lang, alam kong busy si Veslei sa business niya.

"Hindi ka nga abala sa'kin, Philline." iyon ang paulit ulit niyang sinasabi.

I sighed. "Sorry…"

"Next time, don't ever come to a bar alone. Okay? Sasabihan mo ako. Ayoko nang maulit iyong nangyari kanina. I won't let another man touch you again."

Tumango ako sa kanya at sinunod naman ang inutos niya. Ayaw pa nga niya akong pauwiin dahil gusto niyang siguraduhin kung anong kalagayan ko.

"Salamat, Veslei, kasi kahit anong mangyari… nand'yan ka pa din sa tabi ko at hindi ako pinapabayaan." I then told him out of nowhere.

He sighed. "Talikuran ka man ng lahat, talikuran ka man ng mundo, hinding hindi ako tatalikod sa'yo. Lagi mong tatandaan iyan, Philline."

Parang may humawak sa puso ko sa sinabi niyang 'yon. Napangiti na lang ako at agad siyang niyakap nang mahigpit.

"Salamat, Veslei, kasi lagi kang nand'yan para sa'kin… I never ever feel alone with you."

"Because I won't let you feel like you're alone, because you're not. I'm here. Okay?" sabay hinaplos niya ang pisngi ko.

Sa mga sumunod na araw, ramdam na ramdam ko pa rin ang distansya nila Iona sa akin. Sa tuwing tinetext ko sila, lagi silang hindi nagre-reply, or hindi kaya ay sinasabi nilang busy sila kahit hindi naman.

Sinabi nilang busy sila, pero nakita ko na may post silang tatlo na magkakasama.

Napangiti na lang ako ng mapait. I'm right. Hindi sa lahat ng panahon ay lagi silang nand'yan para damayan ako. Darating at darating talaga ang panahon na talilikuran na nila ako dahil sa isang hindi pagkakaintindihan.

I already see this coming. Hindi na ako nagulat na iniiwasan na nila ako ngayon.

I mean, who wouldn't? Miski ako, baka ganoon ang gawin ko kapag malaman kong may kaibigan akong kriminal. Iiwas at iiwas ako dahil takot akong mapahamak. At naiintindihan ko kung bakit nila iyon ginagawa sa'kin ngayon.

Ayos lang sa'kin kahit talikuran nila ako. Para sa'kin, hindi sila kawalan. Bakit? Nand'yan pa si Veslei, nandito pa ang pamilya ko na alam kong hinding hindi ako talilikuran.

Kaya, bakit ko pa ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw naman na sa'kin kung mayroon pa namang tao na laging nandito para sa'kin.

Isang araw, nagkasalubong pa nga kami nila Iona sa isang park. They just stared at me. Akala ko nga kakausapin nila ako but I was wrong. Nilagpasan lang nila ako at ginawa nila akong parang multo.

I really expected this. Kahit masakit, kailangan kong tanggapin dahil iyon naman talaga ang reyalidad. May aalis, pero may mga taong mananatili para sa'yo.

Sa susunod na linggo na ang fourth and paniguradong last trial ko. Maaga pa lang, hinahanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. Hindi ko hawak ang future.

"Bakit ganoon, Veslei? Kung sino iyong mga inosenteng tao, sila itong nagdudusa sa kasalanang hindi naman nila ginawa?" tanong ko sa kanya isang araw.

Magkahawak ang kamay namin ni Veslei habang naglalakad sa may garden dito sa bahay nila. Nitong mga nakaraang araw, lagi akong bumibisita rito kapag galing ako sa law school. Masaya ako para kay Veslei dahil mas nagiging successful na ang café niya.

Kulayan Natin (Munimuni Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon