Chapter 10

264 16 29
                                    

Chapter 10



"Naging crush mo pala ako noon, ibig sabihin, ako nga iyong tinutukoy mo na tipo mo sa isang lalaki?" pangungulit sa akin ni Veslei.

Napakamot ako sa ulo ko. "Hindi nga! Ang kulit mo. Akala ko ba project ang aatupagin natin dito? Bakit tanong ka nang tanong sa'kin na walang connect sa gagawin natin?"

Actually, wala pa kaming nasisimulan sa project video presentation namin. Dapat kanina pa, kaya lang, natapunan ako ng juice tapos dumating pa si Jacobe, kaya naubos ang oras namin.

"Naninigurado lang…" mahinang sabi niya.

"Umupo ka na lang d'yan at magsimula na tayo!" inis kong sagot.

He chuckled. "Hindi ako aayos hangga't hindi mo sa'kin sinasabi ang totoo,"

"Sige! Bahala ka d'yan! Gusto mo bang mawalan ng grades? Ako, ayoko, kaya mag-ayos ka na d'yan, puwede ba?"

"Sabihin mo muna kung oo or hindi?" pangungulit niya pa.

Hinampas ko ang braso niya. "Oo na! Ikaw na nga!"

"So, ako nga ang type mo sa lalaki?" he then wiggled his brows.

Biglang namula ang pisngi ko. I then bit my lower lip. Kung magsasabi ako ng totoo para tumahimik na siya, gagawin ko talaga. Gusto ko na ring mag-umpisa sa project namin.

"Oo na nga!" I almost shouted.

"Good, madali ka lang naman pa lang kausap, e." pagkasabi niya no'n, sumandal siya kalaunan sa headboard ng kama.

I sighed. "Puwede na ba tayong magsimula?"

"Ang cute mo talaga kapag nagagalit ka. Nagbu-blush 'yang pisngi mo. I don't know if you're mad kaya namumula ka, or baka kinikilig ka sa'kin kaya ganoon." makahulugan niyang sabi.

I scoffed. "Ha! So, anong ibig sabihin mo? Normal lang na mamula ako because I'm mestiza, duh!"

"I don't think so… Madami akong kakilalang mestiza pero hindi naman namumula ang pisngi nila kapag nagagalit."

"Well, ako ba sila? Ibahin mo nga ako." singhal ko.

He chuckled. "Fine. Let's start now."

At ganoon nga ang nangyari. Pagkatapos ng ilang oras niyang pangungulit, sa wakas ay nag-umpisa na ulit kami sa project namin.

Hindi pa kami natatapos, pero bumaba muna saglit si Veslei dahil may lulutuin lang daw siya. Sabi pa niya sa'kin, hindi niya raw ako hahayaang malipasan ng gutom. Napairap na lang ako sa kaisipang iyon. Sino ba naman siya para mag-alala sa'kin?

Bumaba na lang din ako sa kwarto at pumunta sa kusina. Saktong kalalagay lang ng pagkain ni Veslei sa isang bowl. Nang makita ako, agad niya akong inaya.

"Where's Jacobe? Hindi siya sasabay sa atin?" tanong ko.

Umiling ako. "Here in our house, iba iba ang mundo namin. When our mother is here, doon lang kami nagkakasabay na dalawa na kumain."

"Bakit? Not in good terms ba kayo?" hindi ko maiwasang tanong.

"I refused to answer," he said.

Tumango na lang ako at umupo na sa inalahad niyang upuan sa akin. Nang makita ko kung anong pagkain ang naroon, agad akong napahinga nang malalim.

"I know that look. That's not ordinary sardines only, Philline. That's sardines with mushroom, soup, pancit, and many vegetables. You know, iyan lang ang paborito kong kainin na luto ko mismo." he explained while smiling.

Kulayan Natin (Munimuni Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon