Chapter 28

216 10 28
                                    

Chapter 28



There's no doubt that it was really Veslei. Nito ko lang na realize na hindi lang ako namamalikmata sa tuwing nakikita ko sa iisang lugar si Veslei. When the truth is… siya pala talaga ang nakita ko noon.

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa ni Brianna. Natatakot akong lumapit, sa totoo lang. May kung anong pumipigil sa'kin sa paglapit sa kanya.

I was so scared, I admit it. Natatakot akong baka kung anong sabihin niya sa'kin kapag nakita niya ako. And besides, seems like naka move on naman na siya sa'kin kaya wala ng problema doon.

I just want to… talk to him, at least. Kukumustahin ko lang siya, because I still cared for him.

I just cared for him. That's all.

Nang makita silang dalawa ni Brianna na sumakay ng kabayo, atsaka lang ako lumabas sa pwesto ko. Sumakay na lang din ako sa kabayo, tutal ay marunong din naman ako nito.

Nang makasakay, pinatakbo ko ang kabayo hanggang sa makarating sa mas malawak na field kung saan nandoon silang dalawa ni Brianna.

Sinadya kong palayuin ang pwesto ko para hindi nila ako mas'yadong makita. Akmang bababa na sana ako sa kabayo nang bigla itong umandar nang wala sa sarili, dahilan para maramdaman kong pabagsak na ako sa sahig.

Pero… imbes na maramdaman ko na sa sahig ako babagsak, isang bisig ang naramdaman kong sumalo sa'kin.

"Are you alright?"

Marinig pa lang ang boses niya, sapat na para tumindig ang balahibo ko. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa lalaking iyon.

His eyes, nose, and lips… and his freaking voice. Ilang beses akong napakurap at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit sa may leeg niya. Hinigpitan niya rin ang hawak sa beywang ko.

"Are you hurt?" he innocently asked.

Pakiramdam ko, parang babagsak na ang mundo ko. Hindi ako nakasagot sa kanya. Pinoproseso ko pa ang mga nangyari.

"Miss, are you hurt? Why aren't you talking?" madiing tanong nito.

Ilang beses akong napakurap at agad na bumaba mula sa bisig niya. Pinagpagan ko ang damit ko at mabagal na nag-angat ng tingin sa kanya.

When our eyes met again, nalaglag na naman ang panga ko. I don't know how to react.

Dahan dahan siyang lumapit sa'kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Hey?"

Nang lumapit siya sa'kin, bahagya akong lumayo at hinarang ang dalawa kong kamay sa dibdib ko.

Hindi ko din alam kung bakit iyon ang naramdaman ko. Muling nanumbalik sa akin ang araw noong nakipag hiwalay ako kay Veslei.

Ganitong ganito din ang nangyari. Lumapit siya sa'kin gamit ang nag-aalala niyang mga mata, samantalang bahagya naman akong umatras sa kanya.

I badly want to cry and touch his face right now. Hindi ko lang magawa dahil alam ko ang limitations ko.

"Ayos lang ako… salamat…" nauutal na sagot ko.

Tipid siyang tumango at agad na tumalikod sa akin. Nang naglakad na siya palayo sa'kin, doon ko lang tinawag ang pangalan niya.

"Veslei…"

Naramdaman kong natigilan siya at dahan dahang lumingon sa'kin. Kumunot ang noo niya at akmang magsasalita nang agad akong nagsalita.

"Alam kong ang kapal ng mukha ko para lapitan ka pa ngayon. Pero… gusto ko lang sabihin sa'yo na proud na proud ako. At gusto lang kitang kumustahin, kumusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita, ah?"

Kulayan Natin (Munimuni Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon