Chapter 38
I stared at Veslei while he was sitting on the floor. Nakayuko lang siya at walang tigil ang hagulgol. Napakunot ang noo ko at dahan dahang lumapit sa kanya.
I caressed his hair but he didn't mind me. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak kaya mas lalo akong nalungkot. Naupo ako sa tabi niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Bakit mo ako iniwan, Philline…" he slowly whispered while sobbing.
I sighed. "Hindi kita iniwan, Veslei. Nandito ako."
Hindi siya sumagot. Naramdaman kong gumalaw ang kamay niya kaya agad akong napatingin sa kanya. Namilog ang mga mata ko nang makita siyang hawak hawak ang isa kong solo picture.
"We promised together that we will not leave each other, right? Bakit mo ako iniwan ngayon…" he cries.
Kumunot ang noo ko. Tinapik ko ang balikat niya pero hindi niya ako pinansin.
"Ano bang pinagsasabi mo, Veslei? Nandito nga ako sa tabi mo—"
"Condolence, Veslei. We all know how hard this is for you."
Napalingon ako sa kapapasok lang na mga tao roon. Mas lalong kumunot ang noo ko.
And that's when I realized kung nasaang lugar ako.
I'm at the cemetery, while witnessing my own funeral.
There I saw my friends, my family, and Veslei who's all crying while giving some flowers on my coffin.
Nagtataka ako at naguguluhan. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.
Did my chemotherapy didn't go well? And… am I dead right now?
Sabay sabay na pumatak ang luha ko. Dali dali akong lumapit kila Mommy at Denise para yakapin sila ng mahigpit. They didn't react, dahil wala na ako.. I'm already gone and dead.
Ang sunod kong niyakap ay sila Iona na hanggang ngayon, wala pa ring tigil sa pag-iyak.
Napunta ang tingin ko kay Veslei na nananahimik lang sa isang tabi kaya agad ko siyang nilapitan para mayakap ng mahigpit.
"I'm sorry if I didn't make it, and I broke our promises…" dahan dahan kong sabi sa kanya, as if na maririnig niya ako.
He's still sobbing, and I hate the fact that he's crying because of me. He's suffering from pain again because of me.
I hugged him very tight.
"Sana panaginip na lang ang lahat, Philline. Hindi ko kaya… sobra akong nasasaktan. Parang winawasak ang puso ko. Bakit? Sabi mo… lalaban ka."
Mas lalo lang akong umiyak nang marinig iyon galing sa kanya.
"I'm sorry kung ang mismong katawan ko na ang sumuko…" I sobbed.
"Nakakatampo ka, Philline, sobra. Akala ko…" nanginig ang balikat niya at muling humagulgol. "Akala ko hindi ka susuko. Akala ko… tayong dalawa ang magkakasama hanggang sa pagtanda natin?"
Mas lalo akong humagulgol, kahit alam kong ngayon, hindi niya ako nakikita at naririnig.
I'm sorry for not conquering this fight.
Kasabay ng pagbukas ng mga mata ko ang pagtula ng mga luha ko.
It was a dream. A fucking dream.
Akala ko… totoo na iyon, pero hindi pala. I don't know if I should happy or not.
Dahan dahan akong bumangon sa kama at si Veslei agad ang bumungad sa harapan ko. Nilapitan niya agad ako at hinawakan ang magkabila kong balikat.
"I'm glad you're now awake," he said after he let out a heavy sighed.
BINABASA MO ANG
Kulayan Natin (Munimuni Series #3)
Storie d'amoreMunimuni Series #3 Saffeya Philline Acena is known to be a good leader and a strong and competitive person. Everyone almost envies her for being almost a perfect person. As the obstacles come, her life turns upside down. A man will protect her, a ma...