Part 56 - HISTORY

256 14 31
                                    

Hi guyyysss! Happy 2022! It's a tough year but i hope gumagapang pa rin tayong lahat! Sorry super tagal mag-update. Busy lang sa kalawakan. Hope matapos ko to. Hahaha

I wish you all the best for the year 2022!

Don't forget to put on your mask, wash your hands, and observe social distancing!

Enjoy reading!


.................................


Tumawa sila nang malakas. Ang saya-saya lang nilang pagmasdan. Nakitawa din ako kahit hindi ko alam kung anong tinatawanan nila. Naglalakbay lang naman sa kawalan ang isipan ko. Tipid na tawa na lang ang kaya kong i-ambag sa kanila na mala-chaka doll pa. Nahihirapan din akong kumain. Para akong kumakain ng bato. Hindi kasi mawaglit sa isipan ko ang nangyari kanina. Parang gusto ko ng take two at go lang nang go. Muahahaha!

Natigil si tita Celine sa pagbibida. Hindi ko namalayang nasa akin na ang atensyon nilang lahat.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang mag-iina. Naibulalas ko lang naman ang mala-demonyetang tawa ko. "Nakakatuwa po kasi kayo tita," palusot ko. Jusko po, kaya nawiwirduhan ang mga tao sa akin eh.

"Don't mind her Celine, that's her normal," kaswal na sabi ni X.

Mabilis na nilipat ko ang tingin sa hari gamit ang matatalim kong mga mata. Nakipag-eye-to-eye ako sa kanya. Inaasar na naman ako ng pesteng haring 'to na akala mo ay walang krimeng naganap.

"Now you're glaring. Good. Rag doll is back," sabi nito sabay ngisi.

Tusukin ko kaya yung dalawang magaganda mong  mata.

Leche!

Pinuri ko pa talaga.

"Naku naku, kakainggit naman kayo," ngingiti-ngiting sabi ni tita Celine. "Ang cute niyong maglambingan."

Muntikan na akong masamid sa laway. Anak ng tokwang di pa naprito, lambingan na pala ang tawag sa ganito?

"Ahh..ummm tita..." Gusto kong itama ang mga lasong nabubuo sa mga isipan nila. Kanina, sobrang awkward ng sitwasyon. Kung hindi pa dumating si tita Celine na asawa ni kuya este tito Carlo at nanay ni Herietta na manugang ni lola Heria at kaibigan pala nitong namayapang nanay ni X, ay malamang nagswiswimming na kami sa sarili naming laway. Maliban sa pinamili niya mula sa bayan ay dala rin niya ang sisinghot-singhot na si Henrietta o Tata. Napaka-lively ni tita Celine. Hindi ito nawawalan ng kwento kahit pa dalawampung minuto pa lang kaming nagkakausap. Kaya niya atang I-summarize sa loob ng tatlong minuto ang Noli me Tangere.

"San ang cute d'yan, nay?" pagmamaktol ni Henrietta. Humahaba pa ang nguso niya sabay tingin sa deriksyon ko.

Napakamot na lang ako sa baba sabay lunok sa laway na tumambay sa bibig ko. Harsh ng batang to. Isampal ko bangs ko sa noo mo, eh.

"Tata, mabuti pa ay kumain ka na lang," nasisiyahan namang sabi ni lola Henria. Napakaaliwalas ng mukha ni lola. Ang mga kulubot sa kanyang mukha ay nagmistulang palamuti at lalong nagpakinang sa kanya.

Idol ko na 'tong si lola. Dapat pagtumanda ako ganito ako fresh.

Nahuli ko namang ngingisi-ngisi lang ang demon. Bilang ganti ay binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti. Kung tutuusin para kaming mga bata. Kunti na lang mauuwi na sa belatan ito. Huwag lang umabot sa rambulan, talo ako malamang.

"Mabuti na lang at napasyal kayo ni X," biglang madamdaming sabi ni tita Celine. "Lalo na sa araw na ito." Maluwang ang ngiting ginawad niya kay X na nag-iwas lang ng tingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon