Helloooooooooooo! XD Sorry guys it took poreber bago nagupdate si otor... nagconcentrate kasi ako sa pinagkakaabalahan ko ngayon..i won't promise but I will update update update na.. nakakahiya na kasi XD
Short update lang po nakayanan ko...para sa mga readers na nagaabang...and salamat po sa pagaantay kahit pa linumot na kayo.. xD
Enjoy!
.........
Ilang minuto na ang lumipas nang umalis sina Syn at Q. Patuloy pa rin sa pagsasalita si Hana ngunit hindi siya sinasagot ni X. Ramdam na niya ang pagnanais nitong umalis kaya naman inagaw niya ang librong hawak ni X at sinimangutan ito.
Nasa dugo na ni X ang pagiging mailap. Ito ang tipong hindi basta basta nakikipag-usap sa kahit kanino, liban na lang kung nakuha mo ang atensyon niya. At sa oras na nagustuhan ka niya, he had this unspoken word of possessiveness. She remembered the time when she rescued him from those wannabe gangsters back in high school. He sacrificed his self for her sake. That's when she realized how much X loved her. She was a part of his world. Kahit pa madalas nitong sabihin na sabit lang siya sa grupo nila. At kahit kadalasan ay nagsusungit ito ay hindi pa rin siya nito pinapabayaan, like she was a princess. At sa murang edad ay umusbong ang damdaming ito ang kangyang prinsipe.
Until now.... siya pa rin ang prinsipe niya. At sana hindi pa huli para maging prinsesa siya nito. Parehas lang silang biktima ng maling panahon at ng maling paniniwala.
"You must pay me," aniya na inabot ang palad sa harapan ni X.
Tumingin ito sa palad niya pataas sa mukha niya. How she loved his gorgeous eyes, his sharp nose and his thin lips. Ibang X na talaga ang nasa harapan niya. He was like a fiction character any heroine would cry for. Pinilit niyang tinago ang ngiting nais sumilay sa labi niya. All those years, hindi nawala si X sa isipan niya. And now that she was finally back, hindi siya papayag na muling mawala ito sa kanya. Kung noon ito ang gumawa ng paraan upang habulin siya, ngayon siya naman. At hindi siya magsasayang ng oras.
"I waited for how many hours. Bayaraan mo ang oras ko," nakalabi niyang sabi.
"And who told you to wait for me?" seryoso nitong tanong. "And Q knew..."
Pinutol niya ito. "I don't want to listen to him. I told you I'll wait." Hindi niya napigilan ang lungkot na kumawala sa labi niya.
Nagbawi ito ng paningin at tinuon sa malayo.
"Are you guilty?" nakangiting tanong ni Hana. Kilala niya ang mga kilos nito at hindi niya mapigilang matuwa.
"No," matigas nitong sabi.
Lalong lumawak ang ngiti niya. Inabot niya ang ilong nito tsaka piningot.
" Stop it," iritado nitong sabi. Nakakagawa na sila nang ingay kaya pinagtitinginan na rin silang dalawa.
Akmang pipitikin siya nito nang naalis na niya ang kanyang kamay. Nakangising binuklat niya na naman ang palad sa harapan nito.
"Bayad mo."
"I never knew that you're begging for money now."
Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Did I say that you have to pay me with money?" Pinigilan niyang ngumiti. "Pay me with your time."
.................
Napatawa ako nang malakas kaya naman dumagundong ang boses ko sa loob ng library. Oras na nagpalilinis ko kaya wala ng tao pa sa loob. Kanina pa sana ako tapos kung di ko inuuna ang pagtawa na parang baliw; napapatigil na lang kasi ako sa ginagawa at napapatawa.
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...