NATUWA PO AKO DITO NG SOBRA. Thanks forever!! *O*
Tokyo Tokyo's message
Magandang gabi bayan! Isa po akong silent reader ng iyong masterpiece na The Black Demon's Heart! Mahal na mahal ko ang storya kahit nafrufrustrate ako sa pangalan ni Sigma na nagpapaalala saakin ng Statistics. T^T Gustong-gusto ko ang storya! Isa siya sa tatlong storya na pinakapaborito ko sa milyong nabasa ko sa mundo. Kinabog ang Inferno HAHAHA! (seryoso) Nangungulit lang po ako at excited nako sa next chapter! Yay! Sana po makapagupdate na kayo at namimiss ko na ang bear brand na si Trigger. Namimiss ko na ang buhok sa kili kili ni Syn. Ang tawa ni X. Ang tattoo ni Sigma. Ang puting polo ni Zi. Ang kapangalan ni L na si Myungsoo hahaha. Ang ngiti ni Q. Ang bonet ni Valeria. Ang lasing na si Caled. At silang lahat! (NAMIMISS KO NA RIN ANG 'OTSO' NI SYN) HAHAHAHA! NAMIMISS NARIN KITA AUTHOR! T^T CIAO! :)
........................
"'Kaw na'ng bahala d'yan lord Q," kindat ni Syn kay Q bago siya patakbong umalis.
Napabuntong-hininga na lang si Q nang kumapit na sa kanya ang babae. Panay ang salita nito pero hindi niya iyon pinapakinggan dahil humahabol pa rin ang tingin niya sa pigura ni Syn.
Lumapit na rin ang ibang kababaihan sa gawi nila kaya naman kailangan na niyang makawala sa babaing nakakapit sa kanya.
"Excuse me miss," nakangiti niyang sabi. "If you don't mind, stay away from me," sabi niya sa pinakamagaang tono niya.
Napangiti na lang ng pilit ang babae sa narinig. Todo kapit pa rin ito sa pinagpyepyestahang braso kaya si Q na mismo ang nag-alis sa kamay ng babae.
"Girls, excuse me," paumanhin niya rin sa mga babaing nakapalibot na sa kanila. He walks toward X who's so busy doing nothing. (Tunganga lang siya sa gilid eh. XD) Hindi mababakasan ng kahit anong emosyon ang itsura nito. Maraming gustong lumapit sa kanya pero nauunahan sila ng takot dahil sa aura nito.
Tumabi siya sa kinauupuan nito. "Malapit na ang sport fest. What's your plan?" tanong niya rito.
X shrugs. "Don't care about it."
Napailing na lang si Q habang napapangiti. Tinuon niya ang kanyang paningin sa nag-eenjoy na si C habang nakikipaglandian sa mga babae sa swimming pool. Napatingin si C sa gawi nila at kinawayan sila.
"Mga bro. Join us here," malapad ang ngiting yaya nito.
He just smiled at him and waved his hand. Wala siyang panahong makisalo sa kasiyahan ni C. Mas gusto lang niyang igala ang paningin sa lugar.
"Bro kalma lang." panay ang ulit ni H sa mga salitang 'yun kay M habang papalapit ang mga ito sa kanila.
Nakaguhit sa mukha ni M ang pagkaasar. "Bitches!" -__-
Tumawa naman si H. "Ganyan talaga paggwapo bro. Oh 'yan tumabi ka kasi kay X kung ayaw mong pagkaguluhan ka ng mga babae bro."
X looks at H with a bored look.
"Muntik na niyang basagin 'yung pagmumukha n'ong mga babae," natatawang sabi ni H.
"Nakakarindi sila. Fvck!" naiinis pa rin sabi ni M.
Tinuro ni H ang kinaroroonan nina U at L. Tahimik na tahimik si U habang dinadaldalan ng mga babae. Para itong robot na hindi man lang gumagalaw at straight na straight lang sa pagkakaupo.
"Bro buti pa si U marunong gumalang ng babae," seryosong sabi ni H. "Manahin mo ang ugali niyang 'yon."
"Tss. Boring U," sabad naman ng kararating na si A. "Kung ako ang babae lalayasan ko na 'yan. Hindi man lang bumuka ang bibig." Binaling nito ang tingin kay X. " Looking for someone bro?" nakangising tanong nito nang mapansin ang paglalakbay ng mga mata ni X.
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...