PART 31 ~ THE LUNCH

3.4K 97 12
                                    

Short update po…hinabol ko lang..ahahaha..pasensya na medyo lame ito..may pinagdaraanan lang.. XD nawawala ang kabaliwan ko kasi..T__T

dedicated sayo na isang fantastic na reader..*O* endi kita kakalimutan basta wag mo rin aqng kalimutan este ung story q..xDD thank you ! *hugs and kisses*

Enjoy? xD

…………..

“Ego mukhang masaya ka.”

Nilingon ni Ego ang lalaking tamad na tamad habang nilalaro ang ballpen na hawak. Nakaupo ito sa swivel chair  at nakapatong ang mga paa sa katapat na upuan. Maya-maya pa ay ialis nito ang headset at nakipaghulihan ng tingin kay Iniego o mas kilalang Ego. (Remember Iniego po yung nakabanggan ni Syn sa part --- _ _” endi ko po matandaan at tamad akong halungkatin..xD.)

Inalis ni Ego ang salamin niya at ginulo nang bahagya ang maayos niyang buhok. “Sa tingin ko panahon na para simulan ang pangalawang plano.” Nilapag niya ang salamin sa mesa tsaka tumayo at naglakad papunta sa bintana. Makikita ang field ng paaralan kung saan may mga naglalaro ng baseball.

Napatango na lang ang lalaki at binalik ulit ang headset.

“Colt.”

“Hmm,” sagot ni Colt.

“Simulan mo na ang parte mo para sa planong ito.”

Walang imik na tumayo si Colt at nag-inat. “Sure boss.”

………

“Ya! Sabi nang akin yan eh. Kuya Jess naman,” naiinis na sabi ni Syn nang unahan siya ni kuya guard sa pagkuha ng hita ng manok. Kasalukuyang silang kumakain ng panangalian nila sa likod ng arts building kung saan walang masyadong taong nagagawi. Nasa ilalim sila ng puno ng Narra. May mga kahoy na mesa at mga upuan sa lugar na iyon. Bukod sa presko ay tahimik mula sa mga alien na estudyante ng EU. Kapag nagkakahulian sila ng oras ni Jess ay lagi silang magkasalo tuwing pananghalian. Hindi siya tumatapak sa canteen maliban na lang kung kailangan lang talaga. Hindi naman niya afford ang mga bilihin don kaya nagbabaon na lang siya.

“Hindi ka na naawa sa akin. Wala pa kaya akong tulog,” konsensya naman ni Jess. Pinalungkot pa nito ang mukha kaya napakamot na lang ng baba si Syn.

“Wag ka ng mag-emote kuya. Sayo na 'yan. Lalong nagugulo yang mukha mo d’yan sa pag-eemote mo.” =__=

“Ang bait mo talagang Syn. Pagpapalain ka rin balang araw,” ubod luwang naman ang pagkakangiti ni kuya guard.

Napapailing na lang siya dahil naisahan na naman siya ni kuya guard pero hindi naman masama ang loob niya. Minsan kasi siya naman ang umuutak dito.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon