PART 32 ~ SHOE

3.2K 108 25
                                    

Holo..sorry po..nadelay ng napakatagal ang update q..T___T anyway sa mga naghihintay pa nito..thank you thank you! Mabuhay kau! Gagawin ko lahat para makapagupdate agad..Q__Q

And this is dedicated to you YOLOve28..salamat sa pagappreciate ng mga stories q..and I want to promote her stories HINDI NAGKAKILALA at BAYAD (one shots)..try nio po unique po ang takbo ng kwento niya…kyut…

So ito na ito na..enjoy po.. ta da!

…………..

Pesteng araw to. Ano bang problema ng demonyong iyon.

Sinipa ko ang batong nakatambay sa daraanan ko. Malayo ang narating ng bato. Malinis naman ang daan kaya walang natamaan liban na lang kung may pagala-galang insekto. Alas tres pa lang ng hapon at naglalakad ako papunta sa parking area. Natatamaan ako ng sinag ng araw pero hindi ko iyon alintana. Iniisip ko kasi kung anong kamalasan na naman ang magaganap sa akin. Tsk.

Napasimangot ako nang muling tumunog ang cellphone ko. Aba nakasampung tawag na to ah. Wala naman akong kapangyarihan para makarating agad sa tagpuan namin. Tss. Pinindot ko ang answer button at inunahan ko siyang magsalita.

“Oo na. Andyan na pooo! 200 kilometer per seconds ang bilis ko!”

“Sh7t! Lower your voice rug doll,” asar na asar niyang sabi.

Muahahahaha! Kahit sa pagpapainit lang ng ulo ako makabawi, ayos na. -__-

Mabilis kong pinindot ang end button at tinago sa bulsa ko ang aparato. Nakakainis marinig ang boses niya kaya. Mabibigat ang mga paang nagmartsa ako patungo sa kinaroroonan ng hari.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating narin ako sa destinasyon ko. Hindi na natago ng mukha niya ang pagkainip habang kinakatok ng daliri niya ang pula niyang motorbike. Araw araw yatang iba iba ang ginagamit. Nakakita ulit ako ng bato sa daraanan ko. Parang ang sarap sipain ng bato papunta sa kanya. Try ko kaya….

Napangisi ako. Tatry ko talaga. Muahahaha. Bahala na si batman. Sa ibang direksyon naman siya nakatingin kaya hindi pa niya ako napapansin. Ewan ko ba. Hindi ko na rin maintindihan sa sarili ko eh. May takot ako sa kanya pero ang tapang tapang ko rin namang sumagot at asarin siya. Tama yata si mama nang sabihin niyang abnormal akong bata.  

Bumwelo ako bago sumipa. Pagkasipa ko tumakbo ako papunta sa likod ng halaman. Eh kung maitatago ako ng halamang ito. Tatawanan ko sana ang sarili ko dahil akala mo naman tatama talaga sa target ko yung batong iyon.Pero para akong nakarinig ng musika nang may umaray. Napapitik ako ng daliri. Medyo magaling pala ako. Muahahaha. Medyo bad girl ako ngayon.

Sumilip ako sa kinaroroonan ng demonyo. Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko siya nakita sa pwesto niya. Napakamot ako sa baba. May umaray kaya.

“Sino’ng bumato sa akin? Loko kayong mga bata kayo,” sabi ng isang matandang boses.

Napangiwi na lang ako nang makita  si tatang Delfin na siyang pinakamatanda sa tean namin. Kala mo naman bigating team eh. Hinihimas pa nito ang natamaang braso.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon