Yes! finally..andaming hindrances sa UD kong ito. Buti na lng di aq nagpatalo! Muahahaha!
hi Thanks for reading..ang alam ko ikaw si Olithia dati?tama ba? tama ba? kung hindi patay aq..haha
go ra!
i wanna hear the SS here! Woo!
..................
Pagkatapos sa school ay deretso muna ako sa kuta ng mga demons. Alas-sais na ako kung nakakarating sa kanila dahil naglilinis pa ako sa school. Alam n'yo na janitress ang drama. Payapa na ang paligid sa school at normal na ulit ang pakikitungo sa akin, normal 'yong hindi ka nila pinapansin o pinapakialaman. Mabuti 'yon. Normal para sa akin ang gano’n.
Heto na papasok na ako sa kuta ng kadiliman. Kompleto na ang demons sa bahay at nagkukumpulan na naman. Nasa akin ang lahat ng duplicate key ng bahay liban sa kwarto ni X at sa studio ni S. Gumawa na rin ako ng list ko para sa paglilinis ng mga kwarto nila. Sa dami nila ay by schedule muna.
Hoo! Ngarag na ngarag na ang beauty ko.
As usual wala na namang pumansin sa akin. Pero kailangan kong gawin ang isa sa kapritso ng mga demonyo.
"Lords, andito na ang pupuksa esti tagapagligtas n'yo," sabi ko habang nakataas ang isang kamay at nasa baywang naman ang isa.
Pinigilan ng mga demons ang tawa nila. Nagbulong-bulungan ang mga itim na demonyo saka ako nginisihan. Kaasar talaga ang kaluluwa ng mga ‘to. Ang sarap ilibing sa kumunoy. Hindi na ako magtataka kung sa susunod ay naka-costume na ako ng parang sa power rangers.
Nakagawian na nilang maglaro ng chess tuwing hapon. Sa umaga naman nagpapawis sila sa pamamagitan ng basketball. Ginagawa pa akong referee ng mga loko. Kaya nga pinagpractice ako ng malanding C-horse na 'yon ng tamang hand signals. Kaya pagnaglalaro sila hindi nila maseryoso dahil pinagtatawanan lang nila ako.
Napahinto ako nang humarang si U. Walang salitang binigay n'ya sa akin ang paborito niyang unan na mabalahibo. Ipapalaba na naman n'ya ang mahiwagang unan n'ya na pinagtatakahan ng lahat dahil pinagkakatiwala n'ya sa akin ang unang 'yon.
Akala mo naman may nakatagong kayaman sa unang 'to.
"Lord U. Maya na 'to ah. Linisin ko lang 'yong kwarto ni C-horse."
Napahawak lang s'ya sa baba n'ya at tila nag-isip.
"Si C 'yong C-horse," medyo pabulong kong sabi. Tumango-tango lang siya saka umalis na. Oh ha, nagpapanis na naman s'ya ng laway. Ewan ko kung anong nalunok ng taong 'yon at hirap ibuka ang bibig. Di bale, pinapansin na n'ya ako, di tulad nong una ko rito. Buti pa nga ang hangin kahit di n'ya nakikita nararamdaman n'ya. Eh akong buto't buhay ay di maramdaan ang presensya ko.
Nagtungo na ako sa kwarto ni C. First floor sa may kanan ang kwarto n'ya. Bale anim sa taas at anim sa ibaba ang kwarto. Ang daming kwarto no. Pero di naman kalakihang kwarto, saka wala silang sariling bathroom sa loob ng kwarto. Kaya maya't maya eh may nakababanggaan akong nakatapi lang ng tuwalya. Katulad na lang ngayon, kakalabas lang ng banyo 'tong si L.
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...