PART 3.2 ~ PUGAD

5.1K 121 9
                                    

"Scrub that well rug doll. I don't want to see any stain," ma-awtoridad na mando sa akin ni Lord X.

Yan daw ang itawag ko sa kanila, Lord.

Lechugas na lalaking 'to eh sa wala na nga akong makitang dumi sa class ng banyong 'to. Kumikinang na nga sa linis. Ang sarap lang ilublob ang mukha niya sa inidoro.

"Don't think bad about me rug doll," matalim niyang sabi.

Mind reader ba siya at alam ang iniisip ko?=_=+

"Yo X! still having fun?" nakangasing sabi ni C. Sumilip pa siya sa loob.

"Wow kumikinang sa linis. Magaling pala siyang maglinis," sabi niyang napasipol pa.

Eh syempre buong buhay na akong naglilinis. Baka pwede na niyang sabihin adjourn na at baka pati kulay ay makaskas ko na.

Tuluyan na siyang pumasok sa loob." Bro maawa ka naman kay... Ano ba'ng pangalan mo?"

Lumingon ako sa kanya at ngumiti nang pilit. Sasabihin ko na sana ang pangalan ko nang umextra si X.

"Rug doll," sabi niya.

Napalakas ang pagsara ko sa bowl.

"Pinagdadabugan mo ba ako?" matalim ulit niyang sabi.

"Naku hindi po Lord of the rings esti Lord Z........aahhh."

Sinipa niya ang maruming balde ng tubig sa tabi ko. Ang hudas, nabasa pa ako.

"Woo! Easy lang bro. Ikaw naman fishy? Wag mong ginagalit 'tong si X kung gusto mo pang humaba ang buhay mo," sabing pabiro ni C. " Excuse me lang ha," sabi niya sa akin.

Fishy?...=_=++

Otso..akala ko pa naman matino.

Nanlaki ang mga mata ko. Buksan ba naman ang zipper ng pantalon at walang pasin-tabing umihi sa harap ko.

Napatalikod ako sabay takip ng mga mata. Buti na lang wala akong nakita. Kamuntik na akong makakita ng buhay na sibat. Phew! Sira ulo .Wala bang kahihiyan ang C na 'to?

"Ouch bro! Ang sakit naman sa ego 'to. This is first time... Is this bad?" sabi niya na parang nasaktan talaga.

"OUT C," galit na namang sabi ni X.

"Hey chillax man, nakita mong jumijingle ang tao," natatawang sabi ni C.

Nang hindi niya napaalis si C ay hinatak niya ang braso ko at lumabas kami sa banyo. Naroon ang mga ka-gang niya. Naglalaro sa wide screen ng video game, yong iba billards, darts at iba.

May ganito palang lugar sa University, o nasa school ba talaga ako?Ngayon lang ako nakapunta sa building na 'to.

Ito ang pugad nila sa school, iba pa sa pinagdalhan nila sa akin kagabi.....

*FLASHBACK* "

"So anong gagawin natin kay Ms. Synella...Reene Garcia," nakangiting sabi ni Q habang binabasa ang school I.D.ko.

Hawak niya rin ang key chain ko.Kaya pala ganoon na lang siya makatingin at makatanong sa key chain ko. Sila pala ang nakapulot n'on at nahulog ko 'yon sa pinagtaguan ko.

PAK!

Napatingin ako sa lalaking may hawak na tubo na hinataw sa spader.Balak ba nila akong hatawin ng tubo hanggang sa mamatay? 

"Stop that I," sabi ng isa na nagising dahil sa ginawa nang tinawag na I.

Saludo ako sayo men. T^T\

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon