para sa kanya na nakipagpatayan sa MB ko dahil kay Song Joong Ki. ayihh..akin syaaaaaaa.........sinamurai na kita nabaril mo pa ako..
muahahahahaha.......adik kami eh...pero natuwa ako sa kanya kc bet niya raw ang Black Demons. kaya paramdam din kayo sa akin...ahohoho..
wala pa namang nxt kung kanino ang dedic..ahuhuhu...
enjoy! *wink*
........................
"Val ilabas muna siya. Waahhhh," atungal ko.
Siya ang main suspect ko.
Bakit hindi?
Kung hindi lang ako nakauwi nang mas maaga noon siguradong lechon na ang spongebob pillow ko na regalo ni papa. Sunugin ba naman. Akala raw niya manika ng mambabarang.
"Pakialam ko sa retarted na Spongebob na 'yon," naiinis na sabi niya. " Hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang swangit na key chain mo."
"Eehh.. malamang nahulog mo 'yon sa school niyo. Napulot ng gwapong mayamang student tapos tinitigang mabuti. Dahil mukha naman talagang retarded tinapon, pinasagasa sa high way," si Nari na pang-acting award ang hitsura.
"Yah! Hindi siya retarded. Hindi ba kayo marunong um-aprreciate ng cute?" naiinis kong sabi. "Ang cool ka niya. Saka bakit kailangan pang gwapo ang makapulot?"
Urggg.. Naalala ko tuloy 'yong mga demonyo. Gwapo na kung gwapo sila, pero wala akong pakialam sa kanila.
"Eh, di ba gwapo naman talaga ang karamihan sa mga boys niyo. Tapos mayayaman pa. Lagi ngang ubos yong picture na paninda nong souvenir store sa harap ng school namin. Kaya kahit gusto ko silang makita wala na. Bilis maubos bebe."
Napaangat ako ng kilay.
"Oo kaya," sabi niyang parang-bata. "Lalo na 'yong....yong... Ano nga bang pangalan ng grupong 'yong,? Bla-bla..... Blacksheep ba?" tanong ni Nari na napakainosente ng mukha.
Nagusot ang mukha ko. Kilala ko na ang tinutukoy niya.
"Ang damot mo. Di mo man lang ishare sa'min." Oh ayan na naman yong nguso niya. Nakapout na naman.
Imbyerna..Minsan lang kasi ako magkwento sa kanila. Wala naman kasing dapat ikwento.
"Nari, wag kang papadala sa itsura ng mga lalaki," sita ni Val. " Maraming manloloko rito sa Maynila."
Ayon busangot na ang mukha ng isang to habang nagbubukas ng lollipop. Naloko kasi ng lalaki kaya galit na galit sa mga gwapo.
Mag-iisang taon na rin kaming magkakasama. Nagkakila-kila kami sa isang grocery store. Nang dahil sa sanitary napkin ay nabaranggay kami. Nag-agawan kami sa last pack ng paborito naming pad. Hindi nadaan sa magandang usapan kaya nagkasakitan. Nagkagulo sa grocery store kaya pinahuli kami sa tanod. Hay! Kakahiya ang pangyayaring 'yon. Mainit ang ulo naming tatlo eh, may PMS ba. Na-detain pa kami ng ilang oras dahil nang-chicks pa 'yong kapitan. Buenas. Sa huli napagkasunduan naming hati-hatiin 'yong isang pack na napkin.
Kay Val 'tong bahay na tinitirhan namin na iniwan ng kanyang mga magulang para sa kanya. Patay na kasi sila. Hati-hati na lang kami sa mga bills. Kahit masama ang unang pagkikita naming tatlo ito naman kami ngayon parang magkakapatid ang turingan.
Tinaas ko 'yong key chain na hawak ko. Nakangiti pa naman si Spongebob. Pero mukhang hindi na mabubuo pa 'yon. Ang lungkot ko talaga. Kasi naman para ko na siyang kapamilya.
"Ilayo mo nga yang retarded na 'yan," taas kilay na sabi ni boss Val. Ewan ko ba kung bakit iritang-irita kay Spongebob.
"Anong gagawin ko. Magtatampo sa akin si Saling niyan," sabi ko sabay hablot sa lollipop na isusubo ni Val.
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...