Hello guys! I'm sorry kung ngayon lang ako nag-update. Please bear with me kung lulubog-lilitaw ako. Kailangan ko pang manood ng sandamakmak na love stories para lang maituloy to. Hahahaha.
Enjoy reading!
..............
"Sandali lang po," pangalawang beses ko nang sabi kahit na lamok lang ang nakakarinig sa salita ko. Minulat-mulat ko ang aking mga mata upang paglabanan ang antok na lumulupig sa akin. Hindi pa man ako nakakatayo mula sa higaan ay hayan na naman ang katok na may mas mabigat nang tunog.
Sa totoo lang, istorbo 'tong kumakatok eh. Weekend ngayon kaya rest day ng mga byuti namin. Ito ang mga panahong malaya kami sa ingay ng alarm clock.
Pero naku naman ayaw paawat ng istorbo. Ang hirap pa namang paglabanan ang antok ko. Gusto ko rin ng mahabang tulog. Iyong tipong gabi na rin ako magigising para pagkagising ko tulog na naman ulit, para sulit.
Napapakamot na lang ako. Wala ring balak gumising ang dalawa na abala sa paghilik. Wala na akong nagawa kundi gisingin ang kalahati ng katawan ko at gapangin ang sahig papunta sa pinto. Hindi na ako nag-abalang silipin pa ang istorbo at pinagbuksan ko na siya. Bahala na sila kung maamoy nila ang katas ng tulog ko. Masagana pa naman akong maglaway.
"Magandang umaga Miss Garcia", bungad ng isang magiliw na tinig. Ang nagmamadaling katok kanina ay kabaliktaran naman kung paano siya magsalita, napakamabini.
Nasilaw ako sa liwanag na nangagagaling sa haring araw. Nakasara pa lahat ng bintana kaya madilim pa sa loob. Nag-adjust pa ang mga mata ko sa kapaligiran. Dumampi sa balat ko ang init ng araw at ingay ng kapaligiran. Kami na lang yata ang abala sa pagtulog sa aming komunidad.
"M-magandang umaga din po," sabi ko na pupungas-pungas. Hindi na ako nagabalang magtanggal ng muta. Muahahaha!
Nang mabistayan ko nang mabuti ang kaharap ko ay napaisip ako sandali. Wala kasi akong maalalang ganito ang tabas ng mukha. Nasa late forties na siguro siya. Hindi naman ito nakakatakot bagkus ay mukha itong kagalang-galang.
"A-ano po'ng kailangan nila?" tanong ko sabay takip sa bibig. Nahiya naman ako bigla.
Tumikhim ang kausap ko. Siguro may bara sa lalamunan niya o di kaya ay naamoy na niya ang morning breath ko.
"Miss Garcia..."
"Hmm?"
Aba ngayon ko lang napansin na kilala niya pala ako.
"...pinapasundo po kayo ni Madame Navarro sa kanyang tahanan."
"Madame?" gaya ko sa sosyal na pagbigkas niya ng 'madame'.
"Yes Miss.Maghihintay po kami," aniya na talagang wala ng tanong tanong kung kung gusto ko ba o hindi.
Natuyot na yata ang utak ko at tila wala akong makapang Madame Navarro sa utak ko. Napakamot na lang ako sa baba.
"The President of Everest University, Miss Garcia," dagdag niya na tila nababasa ang utak ko.
Nabitawan ko na ang bibig ko. Umawang lang naman ito at hindi ko alam kung ilang galong panis na laway ang tinagas nito.
"Maghihintay po kami, Miss," paalala niyang muli.
"O-okay po," sagot ko nang mahimasmasan ako ng kaunti. Binalik ko ulit ang kamay ko sa bibig nang maalala ang dalang di kanais-nais na amoy.
Mabilis kong sinara ang pinto at tinahak ang higaan namin. Sarap na sarap pa rin ang dalawa sa pagtulog at nagpapaligsahan pa sila ng hilik. Binuwal ko ang sarili sa kama at pinikit ang mga mata. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano....
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...