Masigabong palakpakan ang pumailanlang sa function hall. Halos mapuno ang lugar sa dami ng estudyanteng umattend sa pagbubukas ng Sport Festival. Mula sa iba't ibang paaralan ang mga estudyante, may mga elista at ordinaryo. Napabuga ako ng hangin. Jusko, kaming team-maintenance ang kawawa sa mga ganitong event. Karamihan sa mga estudyante ay walang disiplina sa sarili. Hindi ba nursery pa lang tinuturo na ang tamang pagbabasura? Ano'ng nangyari sa mga taong ito at tila hindi naikintal sa isip ang tinuro ng titser nila?
Nakipalakpak na rin ako nang matapos na ang mga sampung pahinang speech ng Vice President ng aming paaralan. Nasa tinig nito ang kagalakan sa pagbubukas ng event, malamang dahil oportunidad ito upang mapalago at maendorse ang EU. Nagtataka lang ako at wala ang Presidente. Ay, hindi nga pala siya dumadalo sa kahit anong okasyon dito.
"Synella!" Mangiyak-iyak si coach Marshal habang papalapit sa akin. "Nasaan na ang mga Demons?"
Napailing na lang ako. Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si coach. "Coach tulog pa siguro yung mga 'yun," matamlay kong sagot.
"Gisingin mo sila," pagsusumamo niya.
"Coach mahirap gisingin ang mga demons. Ayokong maki-join sa tropa nila sa impyerno."
"P-pero.." Tinaas niya ang dalang papel.
Napakamot na lang ako sa nakita. "Patay ka coach." Hawak niya ang copy ng entry ng EU. Nakasulat ang initials ng mga demon sa papel na hawak niya. Minasdan ko iyon at paulit-ulit na binasa.
"Huling pagkakataon ko na 'to Synella. Kinausap na ako ng admin tungkol sa nalalabing araw ko bilang coach," malungkot na sabi niya. "Pero kung maipapanalo ko ang laban ngayon hindi nila ako pwedeng palitan."
Nagdrama nang nagdrama si coach sa harapan ko. Hindi tuloy ako makasingit sa gusto kong itanong.
"Ah, coach."
"Alam ko Synella, miserable ako ngayon.Pero hindi ko kailangan ng awa kundi tulong."
Napailing ako nang marahas. "Coach itatanong ko lang kong pwede bang initial ang mga ilagay niyo sa entry?"
"Ikaw na bata ka, hindi ka na makuha sa iyak," bigla niyang pagtataas ng boses sa akin.
Kilala ko si coach kaya waepek ang pagdradrama niya sa akin. Gusto niya lang tulungan ko sya sa mga demons eh. Alam naman niyang tagilid ako sa mga 'yun.
"Hindi iyan problema, nasa system na ang pangalan nila. Confidential ang pangalan ng mga ito kaya initial lang ang ginagamit."
Pfft. Takot lang kayo sa mga demons eh.
Nilayasan ko na si coach nang mag-uumpisa na naman nang pang-maalala mo kaya. Tutal walang klase magrerelax muna ako, dahil pagkatapos nito mamaya ay mapapasabak ako sa paglilinis.
.....
Bagsak ang balikat ni coach Marshall habang naglalakad. Siguro nga ay panahon na para magpahinga siya bilang coach. Napabuntong hininga na lang siya nang maalala ang pitong taong gulang niyang anak. Paano pa niya susuportahan ito kung mawawalan siya ng trabaho? Isa pa bilib na bilib umano ang bata sa kanya.
"Coach!" tawag sa kanya ng isang estudyante. Ni hindi na niya napapansin ang mga tao sa paligid niya.
Napalingon siya sa lalaking nakasalamin. Ah, kilala niya ang batang ito, ang editor in chief ng school publication. Nakahawak ito ng raketa at naka-sports attire. Hindi niya inaasahang sasali at may angking kakayahan sa paglalaro si Iniego dahil mukha itong lampa. Naka-leave ang coach ng tennis club at isa siya sa mga umaalalay rito. Pero dahil sa problema niya sa basketball team ay nawalan na siya ng oras sa kanila. Mabuti na lang at tutok ang ibang coach sa kanila. Hindi na kasi sila nakakuha ng pansamantalang coach dahil wala silang mahanap na qualified para dito.
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...