"Anak ng..." gulat na reaksyon ni L. Akala mo nakakita ng manananggal ang isang ito. Tss. Ano bang problema nila sa akin? Pinagsisilbihan ko na nga sila nang mabuti, tapos ganito pa trato sa akin. Hindi ba nila ako kayang batiin ng, Magandang araw binibining Synella.
Mahirap ba 'yun?
At dahil isa akong dalaking huwad ay isang matamis na ngiti ang ginawad ko rito sabay sabing, tabi-tabi po kamahalan. Naglalampaso lang naman ako para kuminang naman ang sahig na tinutungtungan nila. Nakakaawa na kasi at puro demonyo ang nakapaligid sa sahig.
May isang oras pa bago ang susunod kong klase kaya naman minabuti ko nang pumunta na rito para gawin ang trabaho ko nang makauwi naman ako ng maaga sa kapit-bahay namin. Kasalukuyan kaming nasa kuta ng mga demons kung saan walang ibang ginawa ang mga ito kundi maglaro, maglaro, maglaro. Tsk, nakakaawa ang mga gamit sa kanila, walang pahinga.
Nahagilap ng mata ko ang kinaroroonan nila D, M, I at H na abala sa pananahimik habang kinukulit sila ni Coach Marshal na bumalik na nang tuluyan sa team. Dahil sa pagkapanalo ng team ay naextend ang kontrata ni coach. Kaya hayan, araw-araw niyang sinusuyo ang Black Demons. Ang kaso wala na talagang balak ang mga demons na makisawsaw pa sa laro-laro na 'yan.
"Wag mo ngang iparada 'yang mukha mo," naiiritang sabi ni L na naglalaro ng baril-bariln sa malaking tv.
"Ikaw na kaya maglampaso dito nang hindi mo pinagdidiskitahan ang mukha ko," matapang ko namang sagot. Aba, si Synella kaya ito, atapang a tao!
"Ikaw kayang ilampaso ko," balik niyang sabi na naniningkit na ang mga mata.
"Ba't ako pa? Si C na lang, pwede? Please." Papikit-pikit pa ako habang magkasalikop ang dalawa kong palad. Dapat sa katulad nitong malakas mang-asar ay nilalampaso talaga sa sahig. Kung pwede lang ipabitay ang mga katulad niya malamang pinapila ko na siya sa death row.
"Did I just hear my handsome name?"
Speaking of the demon. -_-
"What the--!" Napahawak ito sa nanahimik na upuan. Isa pang gulat na gulat din. Akala mo nakakita ng isdang naglalakad sa kapatagan.
Tss, alam ko na kasunod nito.
At nang makabwelo nga ay humagalpak ito ng tawa.
"Bro, nakikita niyo ba ang nakikita ko?" aniya sa pagitan ng mga tawa niya. Kasyang-kasya na ang bola ng basketball sa pagkakanganga niya. -__-
Ang grupo naman nila M ay tahimik pa rin at mukhang nasa ilalim na ng kapangyarihan ni coach Marshal. Naging mantra na yata ang mga salita ni coach at tila wala na sila sa sarili. Marahil ay pagod na pagod na sila sa pangungulit ni coach. Hindi nga nila ako napansin dahil nakabantay na sa kanila si coach bago pa ako dumating.
"Coach!" ani C na pinause ang tawa. Dahil nanahimik ang mga ka-demons niya at hindi siya sinakyan ay gumawa na siya ng paraan para ipagtabuyan si coach. "Tawag kayo sa faculty." Nagtagumpay naman ito nang tumigil si coach sa pagsasalita at mabilis na tinungo ang pintuan sabay sabing, babalikan ko kayo.
Nang tuluyan nang naglaho si coach ay napabuntong-hininga sila. Nag-inat pa ang mga ito at mukhang pagod na pagod sa kakarinig sa boses ni coach.
"You just save us bro," ani I na winagwag ang mga tainga. Seryosong-seryoso siya sa pagwagwag ng tainga.
Napa-sign of the cross naman si H. "I feel numb and I am seeing weird things."
Tss, mas weird kaya siya at panay ang sign of the cross niya. Hindi mo malaman kung religious siya o arte lang niya.
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...