Hi guys! It's been a while. My bad. Bago ako tuluyang magpahinga sa pagsusulat, kelangan tapusin ko muna daw ang TBDH. c: So let's do it. XD
Thank you sa mga nag-aantay.
Enjoy!
.................
Hindi humupa ang hiyawan sa loob ng court. Dumami pa lalo ang mga manonood mula sa iba’t ibang unibersidad. Lalong tumindi ang sagupaan ng magkabilang koponan gayundin ang mga manonood . Kanya-kanya sila ng team na sinisigaw na lalong nagpapaigting sa gulong ng laro.
Nag-apir sina X at S nang makapuntos ulit sila. Parehas na silang naliligo sa pawis pero syempre amoy mga fafa pa rin. Dahan-dahan ay nababaliktad na ang takbo ng laro at unti-unti ay nabubuwag na ang kompyansa ng kabilang team. Naka-adjust sila sa madugong pamamaraan ng kalaban nila. Utak ang ginamit nila upang makapaikli ng dalawaput-isang lamang ng mga ito. Pinilay nila ang depensa at gumamit sila ng taktika sa opensa gaya ng payo ni coach Marshall.
Mabuti na lamang at nakumbinsi ni X si number 8 na manatili sa laro hanggang sa dumating ang back-up nila. Kinausap ito ni X nang masinsinan. Nagulat na lamang sila nang pagbalik ng mga ito ay bumalik na ang sigla ni number 8. Nabuhayan pa lalo ang loob ng dalawang kasama nila sa pinapakitang galing ng tatlo kaya nawala ang pag-aalinlangan nila. Kung kanina ay sila ang hindi maipinta ang mukha, ngayon ay lumipat na ito sa kabilang team. Bakas sa mukha nila ang pagka-asar dahilan para lalo silang humina.Ang team ni X ang nasa depensa ngayon. Hinarang niya ang power forward ng kabilang team. Mataas ito nang kaunti kay X at matipuno ang pangangatawan. Ginagamit nito ang lakas upang sirain ang depensa nila ngunit hindi magpapatalo ang hari rito.
Tumaas ang sulok ng labi niya . Hinding-hindi niya ito palulusutin. Astang ipapasa ng kalaban ang bola sa kasama ngunit hindi siya kumagat. Umikot ito upang lagpasan siya ngunit nabasa na niya ang gagawin nito. Sinagga ni X ang siko nito gamit ang braso niya. Kung lakas lang din naman ang pag-uusapan ay hindi siya padedehado.“You should try harder,” nang-aasar pa niyang sabi.
Sa inis ay pinasa nito ang bola sa kasama, na siya namang inaabangan ni A para ma-steal ang bola. Mabilis na pinasa ni A ang bola kay S nang makuha niya ito gaya ng inaasahan niya.
Bumulusok pababa sa kabilang court si S. Hinabol siya ng mga kalaban at isa rito ang nauna upang pigilan siya. Hindi siya tumigil sa pag-dribble at pagtakbo sa bola. Nakisabay ang lalaki sa pagtakbo niya at pilit na inuunahan siya upang harangan at maagaw ang bola. Kung sa tingin nito ay basang-basa na nito ang isipan ni S ay nagkakamali ito. Mistulang may break ang paa ni S nang humito siya sa three-point line. Hindi iyon nakalkula ng lalaki. Hinabol pa nito ng talon ang bolang itinapon na ni S sa ere ngunit hindi na sumayad pa maski ang dulo ng daliri nito.
Narinig na lamang nila ang sabay-sabay na hiyawan ng mga manonood.Pasok ang bola.
Natapos ang pangalawang quarter na pito na lang ang lamang. Kung kanina ay asar na asar sina C, F, D at H ngayon ay daig pa nila ang cheering squad ng paaralan nila sa ginagawang pagsuporta sa mga kaibigan.
“Boo!” malakas na hiyaw ni C sabay thumbs down sa mga ito na sinundan naman ng tatlo. Hindi pa sila nakontento at humiram pa ng mga pompoms ang mga ito mula sa cheering squad. Natatawa na lang ang karamihan sa ginagawa nila samantalang napapailing na lamang ang tatlo sa pinaggagawa ng mga ito.
“We love you fafa X!” sigaw ng mga ito nang pabalik na sa pwesto nila ang pagod na grupo ni X para makapagpahinga. May sampung minuto sila bago simulan ang susunod na quarter.
Isang nakakapagpabula ng bibig ang pinukol niyang tingin na nagpatahimik sa apat. Sinisira nila ang imahe ng grupo nila. Ngunit aaminin niyang naaaliw siya s mga ito.
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...