"Hindi kayo sasama?" ikatlong beses ko nang tanong iyon kina Val at Nari na busy sa kani-kanilang mundo. Binagsak ni Val ang hawak na kutsilyo sa mesa kaya napatalon ako ng mga three inches. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya at mas matalas pa sa kutsilyo kung makatingin. Nakikisabay din ang ihip ng hangin na tila ba kay lamig sa balat. Kaya naman hindi na napigilan ng mga balahibo ko ang epekto nito at nagsitayuan na sila.
Nilunok ko ang naipong laway sa bibig ko. Hindi ko alam kong bakit kailangan niya akong utusan para ulit sa pineperfect niyang cake na ilang araw na niyang pinagtritripan. Ubos na naman kasi ang mga ingredients niya. Panay palpak kasi ang gawa niya at kami ni Nari ang kawawa. Kami ang taga-simot niya ng matamis pa sa asukal niyang cake o di kaya ay sunog na tinapay nito. Ang masaklap, patapak palang ako sa sahig ng bahay ay inutusan na niya ako. Di ba talaga uso pahinga sa akin? Saka alipin lang ba talaga ang role ko? -__-
Unti-unti akong gumapang palapit kay Nari na abala sa pagbuklat ng mga notes niya. Sinundan ako ng tingin ni Valeria kaya nagtago ako sa likod ni Nari. Immune na ako sa madilim na awra ng mga demons, pero pagdating kay Val ay nanunuyo pa rin ang lalamunan ko. Kinalabit ko si Nari para humingi ng saklolo na tila tinakasan na ng pakiramdam sa kakabasa niya ng mga lessons niya. May tali itong puting panyo sa ulo at mukhang matindi talaga ang pakikibakang ginagawa. Kinalabit ko siya nang kinalabit habang ang isang mata ko ay nakasubaybay kay Val na tila wala na sa sarili habang nagtadtad ng mesa. Oo, yung mesa tinatadtad na niya. At oo, nag-split ang mga mata ko; isa kay Val at isa kay Nari.
Pakurot na ang pagkalabit ko kay Nari. Otso, gusto ko nang iumpog itong babaing ito sa muscle ko nang sa ganuon ay nakaramdam na ulit siya.
Mabuti na lang at after five million years ay bumalik na ang kaluluwa niya sa planetang Earth at napansin na niya ang katulad kong lamang-lupa.
"Bebe Syn," maiyak-iyak niyang sabi. Makikita sa mga mata niya ang bigat at hirap na pinagdaraanan niya. "Ayoko na. Masakit na si ulo ko." T^T
"Untog ko gusto mo?"
"Bebe naman, eh," parang bata niyang maktol.
Iyan ang hirap sa mga madudunong, ang inaasahan ng iba sa kanila ay matayog pa sa lipad ng ibon. Kailangan niyang panatilihin ang antas niya para sa sarili at lalo na sa mga umaasa sa kanya. Buti na lang ako so-so lang eh--iyong tipong tamang aral lang, kasi nga tamang utak lang meron ako. Muahahahaha!
Napayakap ako kay Nari nang mag-ingay na naman 'tong si Valeria. Kagulat siya, in fairness may future siya sa horror o di kaya ay suspense thriller.
Ako naman ang mangiyak-ngiyak na nagsumbong kay Narimar. "Bebe, katakot siya."
Liningon niya si Val na sa pader naman nakatitig. Panay pa rin ang tadtad niya sa kawawang mesa. Otso, nababaliw na rin siya. Susunod na kaya siya sa yapak ko?
"Ahihihi. Puyat lang yan kasi di niya magawa-gawa yung perfect cake niya," ani Naribangbang. Hindi man lang natakot sa pang-shake rattle and roll nitong itsura.
Hindi humupa ang kilabot ko kay Valeria kahit ano pa ang sabihin ni Nari. "Katakot kaya. Parang ako yung gusto niyang tadtarin bebe," pabulong kong sabi.
"Ay naku bebe Syn, gigil yan si Val don sa babaing nagbigay ng cake kay Caled. Kaya gusto niyang gumawa ng perfect cake para itaob yung may malaking hinaharap," aniya na sinenyas pa kung hanggang saan abot ang hinaharap ng babaing tinutukoy niya at...anak ng sardinas, abot na sa kalawakan ah. Syempre charot lang. Hanggang don lang sa kanto namin.
Napatango-tango ako. Kaya pala pursigido siya. Nagulat kami pareho ni Nari nang lumakas ang pagtadtad niya sa kawawang lamesa.
Napailing na lang ako nang marahas. Hindi ko na isasatinig ang pagtutol ko sa sinabi ni Val na puyat lang ang babaing ito. Hindi na lang 'yan dahil sa kulang ang tulog!
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...