hoo! tagal ko nawala ah..hehe..alam nio yong pinaghirapang i-type at isipin tapos biglang nawala? as in no more files?
saklap ko..
ay sana may nagaantay pa nito...^^
see Syn's picture.--------------------->>>>>>>>>>>>>>
............................
"Arg! What the..," asar na sabi ni X. Bigla-bigla na lang siyang nababahing. Hndi na naman siya naniniwala na may nakaalala sa kanya kaya siya bumahing. He doesn’t believe on such superstitious.
Magaling talagang driver si Zi. Magkababata sila at matalik na magkaibigan. Tatlo silang pare-parehas ang likaw ng bituka. Nagbago lang ang lahat nang kinuha siya ng lola niya sa Amerika. Simula noon ay wala na siyang balita sa kanila. They controlled his world na siyang dahilan kung bakit lalo siyang naging rebelde at kung paano nabuo ang Black Demons.
Inapakan niya ang gas para mahabol si Zi. Lamang ito sa kanya. Tantyado nito ang mga kurba ng daan. Kinabig niya ang manibela pakaliwa nang hindi binababa ang speed ng takbo niya. Parehas sila ni Zi sa hilig, vehicles and racing.
Nagpatuloy ang laban. Hindi bumababa ang speed nila kahit sa matutulis na kanto. They were both great in driving but one should win. Abot tanaw na nila ang finish line nang may ilang sasakyan ang paparating. Maingay ang mga serena nito at papalapit nang papalapit.
“Sh8t,” asar niyang sabi. He called Q to warn them. “Bro, cops.” Narinig pa niya ang kaguluhan sa kinaroroonan nila. Marahil ay natawag na rin ng mga watcher ang paparating na mga pulis.
“Uh-huh, kayo nang bahala d’yan,” Q answered, no hint of panicking.
He ended the call and looked at the road. Parehas silang tumigil ni Zi sa daan. Makitid iyon, tamang-tama lang sa dalawang sasakyan. Nagkatingin sila ni Zi dahil magkatapat lang ang kotse nila. Wala na ang tensyon sa pagitan nila. They both grinned. After many years, they still have the same way of thinking.
Pinaugong ni Zi ang kotse niya na parang bumubwelo. Mga dalawampung metro pa ang ang layo ng mga pulis sa kanila. Ilang sandali pa ay pinaharurot na ni Zi ang kotse. Sumunod naman si X na pinanatili ang ilang talampakang pagitan.
Hindi man nila makita ang pagmumukha ng mga pulis ay alam nilang kinakabahan na ang mga ito, lalo pa’t hindi sila tumigil sa mabilis na pagpapatakbo. Nang malapit na sila sa mga sasakyan ay sinakop nilang dalawa ang lane kaya napahinto ang mga paparating. Bumaba pa ang ilan at tumutok ng baril sa kanila. Hindi sila nasindak sa ginawa nila bagkus ay patuloy lang ang takbo nila. Nang malapit nang sumalpok ang kotse ni X sa police car ay nagsitalunan ang mga tao nito sa gilid.
Mabilis na kinabig ni X ang manibela bago pa man masayaran ang police car. Nauna na si Zi kaya hindi sila nagkasalpukan. That was their plan. Isang plano na hindi naman napag-usapan. They don’t need that anyway. Kabisado nila ang isa’t isa kahit pa matagal silang pinaghiwalay ng panahon.
Magkapantay na naman sila ni Zi sa linya at parehas na napangisi. Tumunog ang cellphone ni X at muling kinabit ang earphones.
“Sa susunod na natin ipagpapatuloy ‘to,” si Zi. “Magkikita pa tayo X.”
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...