Hi guys! 2017 na at ngayon lang ulit ako nakapag-update. Haha. This is dedicated to @momo_badgirl na matyagang nagaantay.. Tsaka kay miss bertdey gerl ng january...I'm sorryyy di ko mahanap na yung comment ata yun kaya di ko mahanap ang name. Pabertdey ko sayo te. Medyo super late. XD
At dahil month of lablab ngayon. Sisirain ko muna ang hart hart niyo... Hahahahaha. Chos lang..:3
Sa mga readers...thank you sa pag-aantay kahit pa uugod-ugod ako mag-update. ;)
Enjoy po!
.............................................
Tumigil muna ako sa paglalakad at huminga nang huminga nang huminga. Nakakalagas naman ng buhok ang lugar na ito! >.< Nakakapagod maghanap ng tao sa malawak na paaralan. Sangkatutak na tao ang nakikita ko kaya iiwas muna ako. Maryosep, magkakamukha na sila sa paningin ko.
Dinukot ko ang cellphone sa bag na nakasukbit sa akin. Naka-sampung send na ako ng mensahe kay bebe Syn with emoticons pero hindi pa rin siya nasagot. Iniisnob na ba niya ang bff nia? T^T
Napasalampak ako sa semento nang mapagtagpi-tagpi ko ang lahat. Tulalang napatingin ako sa kulay abong daanan habang nagingilid ang mga luha ko. Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa ko para sa kanya? Hindi pa ba sapat na binubutas-butasan ko ang mga damit niya para lang maging komportable siya?
Why?
Am I not enough?
Pangit ba ko?
Kapalit-palit ba ako?
Umagos ang mainit na likido sa sa pisngi ko.
"Cut!" sabi ko sabay talon. "Ahihihihi! Ang galing ko na talagang umarte. *-*
Isang oras mahigit ba naman akong nagparada sa school na ito. Nanghihina na ang mga bones ko pero syempre hindi ang acting skills ko.
Napalabi ako nang mahawakan ko ang tumatagaktak na pawis sa noo ko. "Asan na kaya si bebe Syn? Dapat kasi sinabi ko na kagabi sa kanya na pupunta ako. Pero kasi gusto ko siyang i-surprise." Napakagat na lang ako sa daliri ko tsaka umupo. Hindi ko kasi naisip na ganito pala kalawak ang Everest University. First time kong pasukin ang lugar na ito pero ang ganda mga bes. Hindi na ako magtataka kung bakit kahit papaano ay nakakatagal si bebe Syn dito. Ang gara-gara at ang linis-linis. *-*
Pero ano..ano eh, hindi ko siya mahanap. Nawawala na ako. T^T Kung sana sumabay na lang ako sa mga blockmates ko, di sana hindi ako na-Snow White dito.
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang pisngi ko at napa-hum ng kanta. Iba talaga ang paaralan ng mga mayayaman parang pati hangin sa paligid ay mamahalin. Pangarap ko ring mag-aral noon sa ganitong iskul pero wala kaming pera. Ang swerte lang ni bebe Syn at nakapasok siya rito at naging close pa niya ang Black Demons. Ayt, nakakakilig sila. >.<
Napalingon ako sa likod ko nang may kung ano akong narinig na mala-shing ang dating. Napahawak ako sa bibig nang makita ang isang babae na nakahandusay sa semento. Mala-isda itong nakahandusay sa sahig. Napakurap-kurap ako ng tatlumpong beses at baka namamalik-mata lang ako. Minsan kasi malikot ang imahinasyon ko at kung ano-ano ang nakikita ko. Nataranta ako nang hindi siya nawala sa paningin ko. Susme, baka nanaginip lang ako ng gising!
Layasan ko na kaya. T^T
Imbes na layasan siya ay iba ang ginawa ng katawan ko. Dahan-dahan akong lumapit habang nagha-hum ng kanta para mawala ang pitik sa dibdib ko. Nang malapit na ako ay pinagmasdan ko siyang mabuti. Ang amo ng kanyang mukha. Mukha siyang ange! *-*
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...