tnx for reading my stories..gagawan kita ng private chapter para di lumutin ang isip mo..nyahahaha..mhua!
see L's pic...love it..^^
................
Dinig na dinig ko na ang yabag ng paparating na tao. Delikado talaga ako sa lagay ko. Otso lang, ba’t di ba sila maubos-ubos?
Sinubukan kong tumayo kahit patang-pata na ang katawan ko. Hindi na ako papahuli sa mga halimaw kahit imposible. Malapit nang dumilim at gagamitin ko ang dilim para makapagkubli sa mga halimaw.
Konti na lang Syn. Kayang-kaya ‘to.
Nagsimula na akong maglakad paalis. Balak kong pumasok sa kasukalan. Wala na sigurong magbabalak pang pumunta ro’n. Hindi pa ako nakakalayo nang biglang may humawak sa kamay ko. Lumakas ang tibok ng puso ko at biglang nanlamig ang pakiramdam ko. Unti-unti kong nilingon ang taong 'yon.
“I-ikaw...." di makapaniwalang sabi ko. Sa lahat ng taong iniisip ko ay di ko akalaing s’ya ang makikita ko.
“Ssshhhh...halika na tutulungan kitang umalis," aniya at inakay ako.
“Sa..saglit lang..pa'no..bakit?" naguguluhan at nagtataka kong sabi.
“Synella ayoko nang magbulag-bulagan sa nakikita ko. Mabuti kang tao. Walang rason para apihin ka nila," sabi niya na may galit at bahid ng kalungkutan.
"Pero ma'am," mahina kong sabi kay Professor Tecson. Hindi ko akalain na maglalakas s’ya ng loob upang matulungan ako. " Baka mawalan kayo ng trabaho pagginawa n'yo 'to."
"Hindi ako natatakot na mawalan ng trabaho. Totoo doble ang kinikita ko pero wala 'yong kwenta. Hindi kayang tapalan ng pera ang kasamaang nakikita ko sa magandang paaralan 'to. Hindi ko alam kong bakit naging ganito ang paaralan 'to. Pangalawa ito sa pinakamahusay na paaralan pero ngayon alam kong hindi na 'to karapat-dapat."
Bata pa si Prof Tecson, siguro nasa edad bainte-kuatro o sinco. Bago lang din s'ya sa paaralan at talagang matalino. Ngayon nakita ko pa kung gaano s'ya kabuti at katapang.
"Halika na. Tinulungan ako ng guard na magsiyasat kong may ibang tao pa."
"Si-si kuya Jes po?"
"Hindi ako sigurado pero Marquez ang apelyido at mukhang kilala ka. Nag-aalala nga s'ya sayo. Hindi n'ya lang maiwan ang pwesto." Napangiti ako sa kabila ng pagod at sakit na nararamdaman ko. May mga tao talagang may malasakit sa iba.
"Tama. Jessie Marquez. S’ya p o ‘yon. Buti di po kayo nasaksak no’n. Laging may dalang deadly weapon ‘yon eh,” pagbibiro ko pa.
“Ha?” mukhang naguguluhan s’ya sa sinabi ko.
Ngumiti na lang ako. “Wala po. Kaibigan ko kasi s’ya. Aahh..Salamat po ma’am," sabi ko bago ako nagpa-akay.
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...