PART 17 ~ THE END

4.6K 93 10
                                    

wahahaha..samantalahin ang pgkakataon..hibang ang lappy q kaya di ako makaOL..two days na akong ngarag dahil sa internet connection na yan..credit to the owner ng modem and lappy...hikhikhik

cnong nakamiss kay letter X? xDDD

.................

Alas tres pa lang ng hapon kaya naisipan kong magtingin-tingin muna ng mga damit. Kanina sa department store ako nagkakalat ngayon sa mga boutique naman. Pumasok ako sa loob at nagtingin-tingin ng mga damit. Panay naman ang sunod ng mga saleslady sa akin. Muntik pa akong mapaso nang makita ko ang price ng nahawakan kong damit. Ginto siguro ang ginamit na sinulid dito kaya libu-libo ang presyo. Mahabaging poon ng manga, makaalis na nga at baka makadali pa ako rito.

Papalabas na ako nang may nakasalubong akong itim na demonyo. Parang gusto kong tumawa nang malakas, napakaswerte ko ngayong araw na ‘to at lahat yata ng mga demonyo ay nakita ko na. *insert sarcasm dito po _________* =_=

Iniwasan ko s’ya at tumingin ako sa baba na akala mo ay nakikita ko ang pinakamaliiit na detalye ng sahig. Napahinto ako nang makakita ako ang Nike shoes sa harap ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Kahit ano pala ang gawin ko ay di ako papalampasin nito.

“Tabi,” walang-gana kong sabi. Parang wala s’yang narinig at kinaladkad ako papunta sa pinanggalingan kong boutique.  “Asar na kayong mga demons kayo ah.. kanina pa kayo pasulpot-sulpot,” gigil kong sabi.

“Shh,” sabi ni M, tinapat pa n’ya ang hintuturo sa labi.

“Goodafternoon sir. Goodafternoon ma’am,” bati nong saleslady na bumubuntot sa akin kanina. Medyo nagulat pa s’ya nang makilala ako.

Binitawan ako ni M at pumili s’ya ng mga damit. Ang nakapagtataka pambabae ang mga kinukuha n’ya. Ahem type n’ya ba ang gano’ng style?

Ang bilis n’yang pumili ng mga damit at puro mga formal dress ang mga kinukuha n’ya. Binibigay n’ya lahat ‘yon sa saleslady. Nagmamasid lang ako sa kanya hanggang sa matapos s’ya. Hindi ko nga alam kung bakit 'di ko pa tinatakbuhan ‘tong taong ‘to.

“Isuot muna,” sabi ni M.

Hindi ako kumibo. Hindi ko naman alam kung kanino n’ya sinasabi dahil nakatingin lang naman s’ya sa hawak n’yang damit.

“Ano pang ginagawa mo?” sabi n’ya ulit na nakatingin na sa akin.

“A-ako?” sabay turo ko sa sarili.

“Hindi ‘yong mannequin sa likod mo,” nababagot  n’yang sabi. Tss..marunong din palang pumilosopo ‘tong M tamad na ‘to.

Pinitik n’ya ang daliri n’ya at mabilis na lumapit sa akin ang dalawa pang saleslady. Kami lang naman ang nasa loob nito kaya walang ginagawa ang iba. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso.

“Sa-sandali ano ‘to?’ naguguluhan kong sabi.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon