Part 46.1

1.7K 58 32
                                    

Panay ang ikot ng ulo ni Trigger sa paligid, kanina pa may hinahanap ang mga mata niya sa maraming tao. Hindi iyon ang unang pagkakataong nakapasok siya sa EU, pero iba sa pagkakataong ito. Kasali ang paaralan nila sa taunang Sport Festival na dinaraos ng mga unibersidad. Siya ang power forward ng basketball team nila. Sa totoo lang walang siyang balak na pagurin ang sarili niya lalo na at hindi kasali ang mga gusto niyang makalaro. Wala kasing thrill. Pero nang malaman niya kung saan gaganapin ang Festival ay agad siyang sumama, hindi para makapaglaro kundi para makita ang kaisa-isang babae na nagpahanga sa kanya. Dito kasi siya nag-aaral at sa tuwing maaalala niya ito ay para siyang kiti-kiti na kinikilig.

Si Trigger at Caled ay kilala sa pagiging notorious. Halos araw-araw silang nakikipagbasagan ng mukha sa kalye at walang sina-santo. Sila iyong mga taong salot sa lipunan kung tawagin. Ngunit nabago ng isang pangkaraniwang babae, sa paningin nila, ang ikot ng mundo niya. Iba kasi ang persepyon niya rito, espesyal kahit na mukha siyang weirdo.

Napangisi na lang siya nang maalala ang mga panahong iyon. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Nang makilala ni Caled si Valeria ay nag-iba rin ang ikot ng mundo nito. Hindi niya akalain na tatamaan ang gago niyang kaibigan nang matindi. Ngunit bago pa man mapaikot ni Valeria ang mundo nila ay nagawa nang mapaikot ang mundo niya nang babaing iyon.





Umupo siya mula sa pagkakahiga sa sementado at paikot na upuan sa may parke. Sinipat niya ang orasan sa kamay bago nag-inat. Halos isang oras din siyang nakaidlip at pasado alas-singko na ng hapon. Mahangin sa parteng iyon dahil sa nga naglalakihang puno sa paligid. Maingay na rin dahil marami na ang mga batang naglalaro sa damuhan habang binabantayan ng ilang mga magulang.

Napamura na lang siya nang hindi niya makapa ang pakete ng yosi niya. Mukhang dinali na naman ng walangyang kaibigan niya. Hindi yata siya mabubuhay nang walang nahihithit na usok.

Sinutsutan niya ang padaang sorbetero. Agad na lumapit ito nang makilala siya. Walang sinoman ang hindi nakakakilala sa tambalan nila ni Caled sa buong distrito. Suki yata sila ng rambulan sa kaliwa't kanan. Pinabili niya ito ng yosi. Wala siyang pakialam kung naghahanapbuhay ito. Iniwang ng sorbetero ang cart nito at mabilis na naghanap ng mapagbibilhan.

Pinagkrus niya ang mga paa habang nabobored na naghihintay sa sorbetero. Hindi siya umuwi sa bahay nila kagabi, ah mali, hindi siya umuuwi sa bahay nila. Mas gusto niyang manirahan pa sa lansangan kaysa makasama sila.

"Kuya pabili pong ice cream."

Hindi niya pinansin ang batang nagtutoktok sa cart.

"Hoy, manong pabili."

Napalitan siyang tumingin sa makuklit na bata. Ngunit napagtanto niya na hindi pala talaga ito bata.

Mahaba ang buhok nito at may bangs na tumatakip sa kalahating noo niya. Hindi niya napigilang mapatawa sa nakita. Mukha siyang alien.

"Ay," tila nainsultong bulalas nito. "Pasalamat ka manong wala ako sa mood. Pabili na ng ice cream, oh," nakasimangot niyang sabi.

Sa sobrang benta ng bangs nito sa kanya ay napalapit siya rito at tinakalan ng ice cream. Kahit nasa mukha nito ang pagod ay hindi nawala ang pagkatakam nito sa sorbetes.

"Kuya padagdag ha," hirit pa nito.

Pinatungan niya nang tatlo pang scope ang ice cream at binigay ito sa babae. Tila nagliwanag ang mukha nito habang kinukuha ang binili. Mabilis niyang dinilaan ang sorbetes.Nagkalkal ito sa bulsa niya para sa bayad. Maya't maya pa ay hinalungkat din nito ang maliit na bagpack.

"Ah-eh kuya....nawawala wallet ko," naiiyak nitong sabi. "Ang malas ko talaga." Inabot niya ang ice cream na hawak. "Kuya oh, 'balik ko na."

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon