this is for you girl..salamat sa effort mo at kahit nasa liblib ka pa ay nagagawa mong basahin 'to..liblib talaga?xD...lalo na sa shoutout mo about my story..yah! palakihan tayo ng eyebags..haha..malapit ng mag-40 kilos 'to..^^
enjoy reading guys..
.........................
*burp*
Napatakip ako ng bibig, para kasi akong baka kung makadighay. Nakakahiya naman sa madlang people.
Otso, kahit papaano pala may dala rin akong konting swerte. Pupunta na sana ako sa iskul nila Nari, kasi tumawag s'ya na daanan ko na lang 'yong perang hinihiram ko dahil hindi s'ya makakalabas at may iru-rush s'yang report. Malapit na ako sa exit nang muntik na akong maatake sa dalawang babae na staff ng isang restaurant sa loob ng mall. Sabi ako raw ang maswerteng nanalo sa pakulo nila. Dahil ako raw ang ika-99.9 na dumaan sa kanila ay ako raw ang maswerteng nagwagi ng eat all you can sa kanilang restaurant. 99.9? May dumaan kayang kakaibang nilalang at kung maka-99.9 sila ay parang germs lang ‘yong isang dumaan. O baka naman ako ang tinutukoy ng mga ‘to?
Syempre na-shock ang lola n'yo. Baka mamaya budol-budol gang pala sila o kaya nasa-gag show ako. Pero wala na akong nagawa nang kinaladkad na nila ako, at eto nga nagtitinga na ako. Mwehehehe. Ang bongga pa nitong napuntahan ko dahil pangmayaman yata 'to.
"Excuse me ma'am." Napalingon ako sa nagsalita. Lumapit sa akin ang manager ng restaurant.
"A-ako po?" Natural sa akin nga lumapit. Pagminsan talaga pang-bobo ang tanong ko.
"Ah yes ma'am. Dahil po kayo ang lucky customer namin ay meron pa po kayong bunos," nakangiti n'yang sabi.
Bunos? Bunos! Bunos......*_____*
Tinawag niya ang isa sa mga staff na may dalang fish bowl na maraming makukulay na papel."Bunot po kayo ma'am para malaman po natin ang bunos n'yo."
Napatangu-tango ako. Kinikilig naman ako. Ako na ang maswerte. Sana iphone5 to o kaya mcbook, trip to Korea o 1million pesos. Bumunot na ako at sa ilalim ako kumuha, baka naroon ang ginto. Kinuha ni manager ang kulay green na papel at binasa ang nakasulat.
"Congratulation ma'am, ang bunos n'yo po ay dalawang ticket..."
"Ticket," putol ko sa kanya. "Trip to Korea? Yes!" napasuntok pa ako sa hangin. "Lucky me pancit canton.”
"Ahh..ma'am..."
Nakipagkamay ako kay Manager. “Ang saya-saya ko po. The best po ang araw na ‘to,” todo-ngiti kong sabi.
“Ah haha. Yes ma’am. Pero..”
“Hindi po ba pwedeng tatlong ticket na lang? May allowance po bang ibibigay. Ilang linggo po kami do’n at kelan ang flight? Ahahaha..di naman po ako masyadong excited.”
“Ma’am,” sabi n’ya sabay tapik nang mahina sa kamay ko. “Anytime po pwede kayong makapunta. Sa third floor lang naman po ang sinehan.”
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...