PART 2 ~ TUGISIN

5.5K 119 7
                                    

eto na.....para kay DyosangK na ngrequest ng dedic..pangalan palang....matatanggihan ba? ahohoho..

sana magustuhan niyo 2...go na...

...................................

"Sir b-bawal po ang unathori..." hindi natuloy ng guard na nakatoka sa cctv room ang sasabihin nang tiningnan siya ni X ng tinging shut-up-or-die look.

Wala na siyang nagawa nang pinakialaman na ni Q ang computer. Tumahimik na lang ang pobre sabay yuko at nagbilang na lang ng langgam sa may paanan.

Lima silang pumasok sa cctv room, 'yong iba nasa labas.

Sinimulan nang kalkalin ni Q ang files ng cumputer. Tinignan niya ang wrist watch niya saka tinuloy ang pagtipa.

"Faster Q," nawawalan na ng pasensya si X pero ngiti lang ang sagot niya.

"You're so hot bro. Chill out man," si A na nakaupo sa swivel chair at nakataas pa ang mga paa sa desk habang ini-scan ang mga log book.

"Shut up A. Don't need your words," sabi niya. Mainit talaga ang ulo ni X sa araw na 'to. One hell day for him.

"L, you look terrible," inaantok na sabi ni M na nakahalukipkip malapit sa pinto.

"Thanks bro," sarcastic na sagot ni L.

"Got it," biglang sabi ni Q. Lumapit sila kay Q. "Here she is," nakangiting sabi niya. Pl-in-ay niya ang video record nong mga oras na hinahabol nila ang babae. Walang cctv camera sa may likod ng pool area.

"Freeze that," mando ni X. " Zoom it."

Minasdan nila ang babae. Pare-parehas silang nakakunot-noo. Hindi nila mawari kung ano sa paningin nila ang babae.

"A you know her," tanong ni X sa isa sa pinakababaero ng grupo. "Nah. Not my type bro," sagot nito.

"L, how about you?" si X.

"You think i'm gonna bed that weird girl? It's insulting," si L.

"Tss..F*ck L," naiinis niyang sabi. Binalingan ni X si Q.

"Copy that," si X.

"I can't wait to punish her," si L na sinipa pa katabing monoblock. Muntik pang matamaan si guard kung hindi lang siya alistong nakaiwas. Nakahawak na rin ang pobre ng rosario at malamang nausal na lahat ang panalanging alam niya.

Biglang bumukas ang pinto. " Musta na ang mga imbestigador ng bayan?" si C.

"Victory bro," sagot ni M na nag-unat. " Bukas wala na siya rito."

"You're right bro," segunda ni L. "Hindi niya ba kilala ang binangga niya.?"

"And the fact that she's a girl," nakangising sabi ni A.

Blag!

Si X na sinuntok ang pader. Lalong nagulat ang guard. Kung pwede lang sigurong maghukay na siya ng lupa para may mataguan ay ginawa na niya.

"I don't care if she's a girl," si X. Kahihiyan para sa grupo ang isahan sila ng isang babae. Marami itong nilabag sa pamantayan ng kanilang gang.

Napapailing na lang si C. "First time tayong tirahin ng babae. Tsk..... Tell it A, kaw ba ang nagpaiyak do'n kaya gumaganti?"

"She doesn't look a girl in my eyes," bale-walang sagot ni A.

"Spill it L," baling ni C kay L.

"Nyemas..Hindi nga s'ya pumasa kay A sa akin pa kaya. Tss."

"Masyado naman kayong malupit sa babae," si C.

"Ang daldal mo C," naiiritang sabi ni L.

Ngisi lang ang sagot ni C. "By the way, napulot 'to ni U sa pinagkublihan nong babae," tinaas niya ang hawak na bagay.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon