PART 14 ~ PROJECT

4.7K 87 17
                                    

for the boy who captured my heart♥

charing^^V..hehe..tnx for reading..natuwa lang aq na pinapa-UD mo na aq..haha..iba kc minsan pag-boys ang nagpaparamdam...nakakaflatter..agree people?

so may POV ang isa sa mga dikit kay Syn..

her picture on the side----->>>>>>

....................

=NARI's POV= 

"Ayos ka lang talaga bebe Syn?” napapahikbi kong sabi habang naka-pout ang labi. Kakaawa s'ya eh. Umandar na naman kasi ang katangahan. Umuwi ba naman dito na mukhang sinabong..Ahuhuhu. Buti na lang buo pa s'yang nakauwi. Sabi n'ya kasi kagabi nadulas raw s'ya sa linilinisan n'ya tapos na hulog sa 25 stairs at nasubsob sa basurahan. Makatarungan ba 'yon? Kahit naman mongoloid s’ya hindi naman dapat ganun kapait ang nararanasan n’ya.

Sinalat ko ang ulo ni bebe  Syn. Kaninang madaling araw kasi nanginginig s'ya. Akala ko umiihi lang s'ya sa higaan. Ang taas pa ng lagnat n'ya kaya tinulugan ko ulit. Baka kasi panaginip ko lang 'yon. Paggising ko kinaumagahan, may lagnat nga pala talaga s'ya. XD

"Sigurado ka bang iiwan ka namin dito?" may pag-aalala sa matapang na boses ni Val. Kahit sadista naman 'yan at kampon ng kasamaan ay alam kong mahal kami n'yan ni Syn. Dahil kong hindi matagal na kaming nagbalut-balot ng gamit namin.

"O-okey lang ako," sabi n'ya. Okey daw kahit halata namang hindi. Ang putla kaya n'ya. Baka mamaya paguwi namin eh s'ya na palang aayusan  namin at gagawan ng bulaklak.

Napailing ako sa naisip. Malakas naman si bebe Syn eh. -3-

"Bibilhan kita ng pasalubong bebe. Isang supot ng lollipop," mangiyak-ngiyak kong sabi. Tumingin s'ya sa akin  at kumislap ang mga mata. Kahit na matamlay ang mukha n'ya ay nabanaag ko ang tuwa.

"Strawberry, orange at chocolate flavor ha," mahina n'yang sabi.

Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ko na talaga kaya ang nakikita ko. Hindi ko kayang nahihirapan ang bebe Syn ko. T^T

"Anak ng...tumigil nga kayo sa drama n'yo," napipikon na sabi ni Val. Binato pa niya ang hairbrush na pinangsusuklay.

“Aray naman!” daing ni Syn. Mabuti na lang magaling akong umilag kaya si Syn ang nadali. Mwihihi..

"Dadaan na lang ako sa school n'yo para i-excuse ka," ani Val na pinagpatuloy na ang pagsusuklay ng buhok. Nagtataka kayo bakit may pangsuklay na naman s'ya? Adik yan sa suklay marami s'ya no'n.

Umupo si Syn ay at ginulo ang sariling buhok.  Nasa kanya na lahat ng ka-weird-ohan. " Salamat inay."

"Tse," pagtataray  ni Val. "Pag di mo na kaya magpaospital ka na," dagdag n'ya.

"Okey lang ako. Konting lagnat lang 'to. Kasama ‘to sa paglaki," masigla n'yang sabi. Ganyan naman s’ya, laging kasama sa paglaki. Hindi na nga s’ya lumaki sa kakasabi n’ya no’n.

Lumapit si Val at dinuro ang balikat ni Syn. Napa-aray naman si Syn sa pagkakadiin ni Val. "Yan ang sinasabi ko. Pa'no kung may bali 'yan? Tsk. Masyado kasing nagpapaapi."

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon