PART 6 ~ PART TIME JOB

4.8K 112 3
                                    

may mga naglabasan sa lungga sa last UD. ahohoho..yong iba jan paramdam na rin ng mainspire c otor...ahihi...

gusto q lang ishare..nababaliw ako kay G-Dragon. Taong bundok ako kaya ngayong taon q lng xa nasilayan..>///<

eto na ang UD kung anu-ano pa cnasavi..enjoy! *wink*

.................

Wala ba silang konsiderasyon? Haggard na ang face ko. Pa'no na lang ang raket namin pagganito ang mukha ko, mukha ng baklang kinulam.

Pagod na akooooo. Para na akong hinihika kung makahingal. Nag-inhale exhale ako. 

Inhale. Exhale. Exhale. Exhale.

Napahawak ako sa leeg ko habang habol ang hininga. Hoo! Otso, Nakalimutan kong mag-inhale.

Sinusundan ko ang hari ng demonyo. Pababa na kami ng hagdan at masama ang tingin ko sa malapad n'yang likod.

Napalunok ako nang wala sa oras. Ganda ng porma eh.

"Aray...." Tumama ang mukha ko sa pinagpipyestahan kong likod. Hindi ko napansing tumigil s'ya sa paglalakad.

"Stop staring my back," malamig n'yang sabi bago nagpatuloy sa paglalakad.

Huh? Ang lakas ng pakiramdam ng taong 'to. Wag n'ya lang iisipin na iniisip kong masarap yakapin at sandalan ang likod n'ya...

Ehhhh uminit ang mga pisngi ko. Bakit ba ako namumula?

Naging alerto na ang mga selyula ko nang papunta na kami sa garahe. Otso naamoy ko na ang balak niya. Ang dami kayang sasakyan 'yon.

Kaya bago pa man ako mangisay sa lugar na 'to.....

 "Lord X," kalabit ko.

"What?" iritado niyang tanong pagharap n'ya.

"Can I.....ano...ano.."

"Ano!?" ulit niya.

"Ah..ummm....c.r..lalabas na eh,"sabi kong pangcommercial ng loperamide ang mukha.

"D*mmit..bilisan mo at baka magkalat ka pa rito," naiinis niyang sabi.

Napatango na lang ako. Lumakad ako na hawak-hawak ang p'wet, 'yong tipong nakasalo at nahihirapan.

Nang nasa loob na ako. Dumeretso na ako ng lakad.

Ahihi.. Naisan ko ang hari.

Deretso ako'ng kusina. Mabuti at hindi pagala-gala ang mga kampon. Kinuha ko ang sling bag kong tinago ko sa cabinet. Ang daming miscalls at texts. Binuksan ko ang mga messages.

Sender: VAL-iw (=^w^=)

SAN KA NAAAAA??? SUSUNUGIN KO NA LAHAT NG GAMIT MO. LINTIK KA DI KA NA NAMAN SASAMA!!!!

Sender: NARI-bang (*0*)b

wer u na powh? mhey rhaketz pha tau bheby..lakih nah butaz ilhong ni Val...ahikhikhik!

Oo nga pala. Sinuot ko na ang bag ko at mabilis akong tumakbo palabas. Hindi ko pinansin yong mga pababang demons. Lalabas na sana ako nang maalala ko si X. Baka dukutin n'on ang mata ko paglumayas na lang ako bigla. 

Bumalik ako sa garahe. Ininspeksyon n'ya ang bike n'ya. Nang makalapit ako agad akong nagsalita. May awa naman siguro 'tong demonyo na 'to kung hihilingin kung umuwi na.

Otso paghindi papagahasa ko s'ya sa mga bading.

"Bukas ko na po gagawin 'yan lord X. May importante pa akong pupuntahan " matapang kong sabi. Hoo! Kalahi ko kaya si Andres Bonifacio.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon