"Ayusin mo lahat 'yan," turo niya sa mga damit at gamit na nagkalat. Bilis bilisan ang kilos. Ihanda mo na rin yung gagamitin ni Colt," masungit na mando ng babaing galit na galit sa pulang lipstick. Maganda naman siya kung hindi lang sana nasobrahan ang pagkakakolorete sa mukha niya. Nasisilaw ako sa make up niya eh.
Nilibot ko ang paningin ko studio. Halos lahat ay abala sa paghahanda para sa photoshoot na gagawin. Nagawi ang tingin ko kay Colt na walang kangiti ngiti habang tinutulungan siya ng isang babae sa pag-aayos. Napatingin siya sa akin kaya naman ngumiti ako nang bahagya at tinaas ang kanang kamay ko na may hawak pang damit. Nawala ang ngiti ko nang hindi man lang niya ako sinuklian ng ngiti. Aba't siraulong lalaki to. Dineadma ang eherm mala-dyosa kong ngiti. Siya nga tong habol ng habol sakin para lang ano...ano...ano..pagtupihin ako ng letseng mga damit. ._. Pero kung iisipin naman malaki nang kita para sa ilang oras lang. Hindi ko naman maintindihan 'tong taong 'to at ako pa talaga ang gustong kunin eh samantalang ang daming willing na magpaalipin sa kanya. Baka siya pa nga swelduhan paghinire niya yung mga babaing yon. Pero wala eh, iba talaga ang kamandag ni Synella Reene. Muahahaha---
"Wahaahahaha! Ahahahahaha-ha-ha." Napakamot na lang ako sa baba ko nang makitang nakatingin silang lahat sa akin. Iyong tawa ko lang dapat sa utak ko ay nabigkas ko pala.
"Oh ano kaya niyo yun? Baka kelangan niyo ng taga tawa. Pwedeng pwede ako," sabi ko na lang para mabasag ang katahimikan. Hindi sila maka-move on sa tawa ko.
Tumikhim ang babaing nagmando sa akin ng gagawin ko kanina. Mabilis niya akog nilapitan. "Sabi ko sayo ayusin mo. My God, I didn't know may sayad pala ang alalay ni Colt," napapailing niyang sabi.
Tinikom ko na lang ang bibig ko at sinimulang gawin ang aking trabaho. Naging abala na naman ang lahat para sa photoshoot. Lumipas na ang isang oras at hindi pa rin nagsisimula. Madali ko namang natapos ang gawain ko kaya petics na ako. Kung ang lahat ay mukhang aburido na, si Colt naman ay kampanteng kampante sa pagkakaupo habang nakikinig sa ipad nito. Hindi ko napagilang maghikab. Ang tagal naman kasi nong isa pang model nila. Isang oras mahigit na siyang late. Nagpupuyos na sa galit si mamang photographer.
Nagvibrate ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko. Iooff ko sana pero naalala kong tatawag sina mama ngayong araw na ito. Bakit ko papatayin? Para hindi ako abalahin ng mga demonyo. Lalong lalo na 'yong samurai x na iyon. Tsk susuklayin ko talaga buhok ng lalaking iyon pagnaasar ako nang sobra sobra.
Kinuha ko ang cellphone na panay ang vibrate. Baka sina mama na. Nagdilim kaagad ang paligid ko nang makita ang pangalan ng caller. Parang isa isang namamatay ang mga selyula ko. Ako naman si tanga pwedeng pwede ko namang deamahin o kaya patayin ang aparato, sinagot ko pa. -_-
"Yes kamahalan," matamlay kong bungad sa kanya.
"Where the hell are you, you freaking rug doll?" medyo pasigaw este sigaw talaga. Tsk. Kung nasa harapan lang ako ng demonyong to di sana naligo na naman ako sa laway niya. Pero ayos lang kasi ma... "Demmit! I need you here. I'll give y-."
"Ops teka teka lang Lord X. Pakiflashback ang iyong utak. Off ko ngayon. Kaya byebye Lord X," malambing kong sabi. "Wag mo kasi akong masyadong isipin. Namimiss mo lang ako eh," nang aasar ko pang dagdag. Pinatay ko na ang aparato na may ngiting tagumpay. Alam kong wagas na naman ang pagmumura non. Ahahahahaha! Masaya na akong masira ang araw ng nilalang na iyon.
"Excuse me."
Napaangat ako ng tingin nang may nagsalita. "You're blocking my way."
Napataas ang dalawang kilay ko. Daanan ba to? San siya didiretso, sa pader?
"Bakit may pulubi dito?" seryosong sabi ng bababing nakashades, kala mo namang hanggang sa loob ay may sinag ng araw.
"France you're here at last," sarkastikong sabi ni mamang photographer. "Mabuti na lang wala pa absdahdiihdehiwijrkfkdsf....."
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
MizahIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...