Sunod-sunod ang malalakas na katok na nanggagaling sa labas. Kanina ay banayad lang ang ginagawa nito, ngunit inabot na ito ng sampung minutong mapayapang pagkatok ay wala pa ring nagbubukas ng pinto, kaya naman gumamit na ito ng pwersa. Lumipas ang ilang minuto at tila wala pa ring nakakarinig sa katok na nakakakuha na ng atensyon ng mga tao sa paligid. Wala ni isa man sa kanila ang may balak na pagbuksan ang istorbo sa kanilang pagtulog. Una, dahil pare-parehas silang puyat. Pangawala, may hangover pa silang dapat itulog. At pangatlo, masarap matulog. At kung wala silang balak na tumayo upang buksan ang pinto, wala rin balak tumigil ang kumakatok ng pinto.
Bumalikwas si Valeria at kinalabit, gamit ang paa, ang kung sino mang nasa paanan niya. "Pinto," nakapikit niyang sabi.
Ungol lang ang sagot nang nasipa ni Valeria. Nakatalukbong ito ng kulay pulang kumot na hindi umabot sa paa. Panay lang ang ungol nito sa ginagawang pagkalabit ni Val na nauwi sa sipa. Bumalikwas ulit si Valeria at mas malakas na sipa ang natamo ni Nari kaya napaupo siya nang nabibigla.
"May kalaban! May kalaban!" ani Nari na ginawang baril ang kamay. Sabog ang buhok niya at nanlilisik ang mga matang ginala sa paligid. Mabilis siyang gumapang sa sahig at pinagbabaril ang pader.
Binato siya ni Val ng unan. "Gagi! Yung pinto buksan mo!"
Natigilan naman si Nari at bumalik sa pwesto niya kanina. Magkukumot na sana siya nang tinamaan siya ulit kay Valeria.
Napatayo na parang robot si Nari at lumabas sa kwarto na tulog pa ang diwa. Dere-deretso siya sa paglalakad at hindi pinansin ang mga nagkalat na katawan sa sahig na tulog-mantika. Kalahati lang ng mga mata niya ang nakabukas, antok na antok pa ang itsura niya at ang bigat ng ulo niya. Ngunit iba ang pakiramdam niya sa kanyang katawan, parang papel sa gaan na hindi niya mawari.
Binuksan niya ang pinto. Bumungad sa kanya ang isang pigura ng babae. Maliit ang babae at may maiksing buhok. Naka-floral dress ito na tenernuhan ng bulaklaking sombrero. Kahit pa matagal nang lumipas ang summer ay feel na feel nito ang outfit na naka-shades pa. May dala-dala rin itong malaking maleta at mukhang magbabakasyon lang sa Boracay ang dating.
Napangiti sa kanya ang babae na sa tanya niya ay....basta hindi na fresh. Dumilat nang pagkalaki-laki ang mga mata niya nang mapag-sino ito. Kumurap siya ng mga isang daan at baka dinadaya lag siya ng isipan niya. Tila nawala ang hangover niya nang magsalita ito.
"Hello hija," masigla nitong bati.
Imbes na batihin ito ay mabilis niyang sinarado ang pinto. Ni-lock niya iyon, sa gitna sa taas at sa baba. Hindi pa siya nakontento at kinabit ang door chain tsaka siya kumaripas ng takbo papunta sa kwarto. Wala siyang paki kung may limang tao o mahigit pang umungol at umaray sa pagtakbo niya. Ang mahalaga ay marating niya ang kinaroroonan ng mga kaibigan niya.
Kinalabit niya si Val. Kahit sadista ang kaibigan nilang ito ay siya lang, kahit papaano, ang may maayos na pagiisip.
"Ano ba!?" sigaw nito sa kanya nang hindi na lang kalabit ang ginawa niya. Napakagat siya sa kuko ng daliri niya. "Inaantok pa ako," angil ni Val.
Niyugyog niya ulit si Val nang bumalik ito sa pagtulog. "Valeria," parang batang nagpapansin sa nanay na sabi ni Nari.
"Nari!" inis na sabi ni Val. "Wag kang istorbo. Kung naiihi ka, umihi ka na d'yan sa salawal mo." +__+
"Hmmp. Hindi kaya ako naiihi! Pero ang sakit ng ulo ko. Ba't masakit to? Ano'ng ginawa niyo sa akin? T^T"
Napatakip ng tainga si Val. Wala itong balak patulan ang kadramahan ni Nari. At lalong walang nagpumilit sa kanya na lumaklak ng alak. Nag-perform tuloy siya kagabi nang hindi niya namamalayan.
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...