PART 45 ~ IWAS

2.1K 83 49
                                    



Mabilis akong tumakbo sa malaking poste na doric style upang itago ang katawang lupa ko. Kanina pa ako nag-aala-ninja. Isang desisyon ang nabuo sa aking isipin kagabi habang inaawat ako ni mama sa pag-ubos ko ng donut.

Ang iwasan ang mga demonyo hanggat maari, lalong lalo na ang hari.

"Hoy Fishy, hindi porke't walang pumapatol sayo ay pwede mo ng lapastanganin yang poste. Maawa ka."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Ang mga demonyo nga naman malakas ang pang-amoy. =__=

"Eh kung bunutin ko kaya 'to nang maihampas ko sayo." -__-

"Tsk. Wag mong sayangin ang gandang lalaki ko," napapailing pa niyang sabi. Gwapong-gwapo talaga 'tong demonyong 'to sa sarili.

Babarahin ko pa sana siya nang bigla niyang tinawag ang hari nila.

"X Fishy is here," anito sa malakas na tinig.

Mabilis kong nakalkula ang speed at direction ng hari, 38 degrees SouthEast, 24 m/s. ._.

Nakikita ko na ang kagwapuhan niya, esti ang bulto niyang papalapit sa akin kasama ang kanyang mga kampon. Otso parang gusto kong magpulbos at guhitan ng krayola ang labi ko ng makasabay naman ako sa nguso esti sa uso ng mga babaing hibang sa demons. Ang lakas talaga ng dating nila, super typhoon lang.

Otso, preno muna ako. Hindi ito ang dapat iniisip ko.

1 2 3.....

"Hey! Sa'n ka pupunta?" narinig kong sabi ni C.

"Pinapatawag ako ni coach!" tumatakbong sabi ko.

"Hoy Fishy! Andito si coach."

Napahinto ako at napatingin sa gawi nila. Magkakasama na ang mga demons at nakatingin sila sa akin. Napangiwi ako nang makita si coach. Mukhang kinukulit niya pa rin ang mga demons para sa nalalapit na Sportsfest.

"Oh Synella! Tawag mo ko?" bibong-bibong sabi ni coach.

Napangiti na lang ako nang pilit tsaka mabilis na tumakbo paalis. Kunwari hindi ko nakita si coach.

Zooommmm!

..........

Nakahinga lahat ng ugat ko nang tumunog na ang bell. Nakakabagot kasi ang instructor namin, walang kalatoy-latoy kung magturo. Sa susunod kukuha na akong kumot at unan, ang sarap niya kasing tulugan. Pinalabas ko muna lahat, gaya ng dati. Tumayo na ako nang wala ng natira. Nag-iinat at humihikab akong lumabas ng classroom namin. Otso, buti talaga napigilan ko ang antok ko. Ang lamig pa naman sa loob kaya talagang niyaya ako ng antok.

Napatigil ako sa paghikab nang masilayan ko ang papalapit na mga demons. Napadikit ako sa pader. Hindi pa naman siguro nila ako nakita dahil abala sila sa paghawi ng mga babaing hibang. Sina L, A, U at X ang tanging nasilayan ko. Lechugas, saan kaya papunta 'tong mga 'to? Bigla akong niragasa ng kaba. Namamawis na rin ang mga paa ko. Kaninang umaga pa ako nakikipag-taguan at habulan sa kanila. Ang laki naman ng EU, pero parang ang liit lang dahil nagkalat ang mga demons.

Imbes na sa daang matuwid ako dumaan ay umurong ako. Lalayo na ako sa susunod na subject ko pero keri lang. Wag ko lang makasalubong ang mga demons. Hindi naman nila ako pwedeng kulitin sa cellphone dahil naka-off iyon. Tama naman ang sinabi ni Q, iwasan ko lang sila, lalong lalo na si X, at siguradong magsasawa o makakalimutan nila ako. Lalo na ngayon at marami silang inaasikaso sa grupo nila. At kapag nagawa ko iyon, si Q na ang bahalang gumawa nang paraan para mapawalang bisa na ang aking kontrata sa mga demons.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon