PART 15 ~ MY DAY

4.6K 81 13
                                    

waahhh..tagal ko mgUD..sorry poh(-/\-) liban sa busy aketch eh tinatamad din..nyahaha..

bago 'yong cover..di ako magaling jan kaya 'yan lang nakayanan ko..pede naman kong may gustong gumawa ng cover jan..nyahaha ulit..

enjoy \^____^/

......................

"Sabi magpahinga. Ang tigas ng ulo,” nakapamaywang na naman si mamu habang nagdadada. Otso kanina pa ako napapaliguan ni mamu ng laway n’ya. Non-stop ang ratsada mula nang dumating ako.

Hindi muna ako kumakanta sa gabi, kasi nga kailangan ko ng magandang tulog. Kaya sa mga fans ko out there ay di muna n’yo maririnig ang *ahem* maganda kong tinig. Lalo na ‘yong mga suki naming petiks lang sa kabaong at sarap na sarap ang hilata ay ‘di  ko muna kayo masasamahan.

"Mamu naman. Sa’n ako kukuha ng kakainin ko pag di ako pumunta rito?"

"Pwede naman kitang bigyan, ah," nakataas ang kilay n’ya at donyang-donya ang tindig.

"Eh..ok na ako mamu. Isa pa di naman ako nagpupuyat." Nag-aayos ako ng mga bulaklak, hindi naman siguro ako mamatay sa pag-aayos nito. Kesa naman nakanganga lang sa bahay di kumita muna kahit konti. Ito lang kasing si mamu masyadong excited na paalisin ako. May lalapastanganin na naman kasing lalaki. Katanda na mahilig pang makipagsyota. Daig pa akong teenager.

Nagtataka kayo bakit di  ako pumasok? Well, deep well, tumawag sa akin si Prof Tecson noong isang araw at sinabi na magpahinga muna ako ng isang linggo. Galing daw sa admin ang utos dahil nalaman nga na nagkasakit daw ako. Wala raw silang binanggit sa pangbu-bully sa akin. At sinabing makakapasok pa rin  ako sa EU.  Kaya ito susulitin ko ang isang linggo ko. Kahapon kasi nagpahinga lang ako sa bahay. Unang sumuko ang mga butiki na nagsihulog na lang basta. Pinulsuhan ko silang lahat at wala na silang buhay. Na-suffocate ata sila sa hininga ko. Kaya naisipan ko nang  lumabas at baka mamatay lahat ng nilalang sa loob ng bahay namin. May limang araw pa namang natitira para makapagpahinga. Excuse ako sa lahat ng subject ko kaya wala akong proproblemahin.  Bibigyan na lang daw ako ng special quizzes. Wag lang naman sanang sabay-sabay at baka matuluyan na ako.

"Oh umuwi ka na. Ito nang sahod mo,"sabi ni mamu para itaboy ako. Sus, makikipaglampungan na naman ‘tong si mamu. Mamaya magkwento na naman na dinalaw s’ya ng namayapang asawa. Minsan nga parang baliw lang na maghihiyaw-hiyaw na parang nakakita ng multo eh ‘yong balsamador lang naman ‘yong nakita n’ya. Sabagay di ko s’ya masisi dahil pang-Halloween talaga ang itsura ni kuya. Best in costume.

"Ito na lang mamu oh. Sandali lang." Maaga pa naman, alas diyes pa lang ata. Kaninang seven pa ako rito sa parlor at tumutulong sa kanila. Nilapag ko ang pitaka ko sa may mesa at niligpit ang mga gamit nang matapos ko ang iba. Naasiwa na rin ako sa mga matang sumusunod sa akin. Baka tuluyan ako ni mamu kung di pa ako titigil eh. Sino kaya sa helper at driver ang sisilawin nito ng pera? Ay mali ‘yong bagong boy  pala na kinuha pa n’ya yata sa gay bar. =__=

“Syn ako na d‘yan,” nagpapa-cute si bagong boy na ang pangalan ay Dennis. Nakasando lang s’ya at maong na kupas at bakat na bakat ang mga muscle. Parang ako pa ang nahihirapan sa mga ugat n’yang ipit na ipit dahil sa sobrang hapit ng damit.

“Ako na. Paligayahin mo na lang ‘yon oh,” sabay nguso ko kay mamu na kumindat pa kay Dennis. Ngumisi naman si Dennis at nakita kong kumindat din ang loko. Tss..kinikilabutan ako. -_-

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon