Kabanata 3

16.1K 432 97
                                    

Alas 4 pa lang ay inaabangan na namin ang jeep pabalik sa baryo namin. Hanggang alas-singko lang ang last trip papunta sa amin. Nag-alala na tuloy ako kapag may mga activity sa school at kailangang manatili. Siguradong hindi ako makakaabot sa last trip. Hindi rin namang pwedeng lakarin ko ang amin pauwi, dahil sobrang layo.

"GG, bili muna ako ng fishball, libre na kita. Sandali lang!" papalayong sabi ni Amalia. Ang babaeng 'to talaga masyadong marupok pagdating sa pagkain.

Nasa kabilang kalye katapat ng school namin ang nagtitinda ng mga street foods. Kaya kung sakali mang dumating na ang jeep para sa amin, ay madali ko lang matatawag si Amalia.

"Itong sayo, GG." sabay abot ni Amalia sa akin ng fishball na nakalagay sa isang plastic cup at may sauce na doon.

"Salamat." sabi ko. Nahihiya na talaga ako kay Amalia dahil palagi na lang niya akong nililibre. May pera naman ako, pero matitiis ko pa naman ang gutom. Kailangan kong isipin ang bukas kaysa ang kasalukuyan.

"Okay lang 'yan. Palagi mo kaya akong pinapakopya." aniya habang tinitira na ang fishball. Dalawang plastic cups pa talaga 'yong sa kanya. Kaya hindi nangangayayat ang kaibigan kong 'to.

Nang natatanaw na namin ang jeep na sasakyan, ay agad nagkumpulan ang mga sasakay. Buti na lang at kami ang naunang makasakay sa front seat ng jeep ni Amalia. Nagkakagulo sa likod dahil nagtutulakan na sila sa pagpasok.

Nasa gitna si Amalia at ako naman sa gilid. Habang hinihintay naming makapasok ang lahat ay napailing ang driver at nakatingin ito kay Amalia.

"Amalia, hinay-hinay sa paglamon, ang taba mo na." komento ni Kuya Mon. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pagkasabi niya. At nakikita kong nainsulto doon si Amalia.

"Grabe naman kayo kuya Mon. Bata pa naman ako, papayat din ako pag nag college na ako." sagot ni Amalia pero humalakhak lang si kuya Mon.

"Naku, ibu-bully ka niyan. Alam mo naman mas gusto ng mga lalaki ang katawan kagaya ng kay GG." sagot niya kay Amalia.

Napayuko si Amalia at bahagyang tiningnan ang sarili habang pinapaandar na ni kuya Mon ang jeep. Hindi na rin naman nagsalita si Amalia. Alam kong naapektuhan siya sa sinabi ni kuya Mon.

Ilang taon ng driver ng jeep si kuya Mon sa baryo namin. Kaya kilala na namin siya, at mukhang kilala na rin yata lahat ni kuya Mon ang mga taga baryo. Gano'n kaliit lang ang baryo namin, siguro nasa isang daan o mahigit lang ang taong naninirahan doon.

Malapit na naming marating ang sapa ng may humarurot na magarang sasakyang kulay itim. Malaki ito at sobrang ganda. Ngayon lang ako nakakita ng gano'ng klasing sasakyan, at mukhang papunta ito sa baryo namin. May nakasulat na 'Roux' sa likod nito, sa may salamin. Halatang pinasadya iyong ilagay.

Halos lahat yata kaming sakay sa jeep ay sinundan ng tingin ang magarang sasakyan. Sino kaya 'yon? Baka may taga aming nakapag-asawa ng foreigner!

Nang makababa kami sa waiting shed ay biglang umulan. Ang ganda naman ng panahon kanina, pero bigla na lang umulan. Mabilis kaming sumilong sa tumakbo papunta sa waiting shed.

"Paano na 'yan GG, wala tayong payong." malungkot na sabi ni Amalia.

"Titila din 'to." sagot ko at tumingala sa langit. Maglalakad pa naman kami ng ilang minuto. Kailangan ko pa namang mag handa ng hapunan pagka-uwi ko.

Nalingunan ko ang mga puno ng saging.

"Dito ka lang Amalia." saad ko at nilapag ang bag sa upuan ng shed at tumakbo sa puno ng saging. Kumuha ako ng dalawang dahon. Medyo nahirapan pa akong kumuha no'n kaya kinagat ko iyon. Napangiwi ako ng malasahang medyo mapait ito at napagtagumpayan ko namang makakuha ng dalawang dahon.

Fuck and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon