Kabanata 4

16.2K 470 109
                                        

Alas-4 pa lang ay gising na ako. Lumabas ako agad para tingnan kung natuyo ba ang uniform at bag ko, sa kasamaang palad medyo basa pa ang uniform ko. Pero okay na 'to. Magsusuot na lang ako ng damit sa ilalim kaysa umabsent ako.

Agad akong nagluto ng agahan at naligo na din pagkatapos. Naisip ko bigla ang lalaki. Kasalan niya 'to kung bakit magsusuot ako ng basang uniform! Kailangan ko talaga yatang dagdagan ng isa pang pares ng uniform 'to. Dahil baka sa susunod, may mangyari na naman.

"Natuyo 'yang uniform mo?" tanong ni Amalia sabay kapa sa palda ko at nagulat siyang basa pa ito.

"Basa pa 'yan GG. Magkakasakit ka niyan!" aniya

Umiling ako at binigyan siya ng kaunting ngiti. "May damit naman akong suot sa loob, Amalia. Okay lang 'to. Matutuyo din ito mamaya." giit ko pero umalis siya at bumalik sa bahay nila. Sunod na bumungad doon si Ninang.

"GG, halika ka nga dito bata ka. Suotin mo 'tong extrang uniform ni Amalia. Magkakasakit ka niyan!" saad ni Ninang. Nagsumbong naman pala si Amalia.

Hindi na rin ako umayaw pa, dahil totoo namang baka magkasakit pa ako. Matapos kong makapagpalit ay napansin kong mas maiksi ang palda ni Amalia kaysa sa akin. Mas matangkad naman kasi ako sa kanya. Buti na lang may suot akong cycling.

"Alis na kami, Ninang. Salamat sa pagpapahiram ng uniform." sabi ko at niyakap si Ninang.

"H'wag mo ng alalahanin at sayo na yan. Bibilihan ko na lang ng bago si Amalia" aniya at agad akong umiling.

"Isasauli ko po ito Ninang. Bukas na bukas din." sabi ko dahil masyado ng nakakahiya.

"Tanggapin mo na yan, GG. At medyo masikip yan sa akin kaya sayo na lang." aniya at ngumiti.

Sa huli, nagpasalamat na lang din ako. Hindi ko makakalimutan ang kabutihan ni Amalia at ng pamilya niya. Mas may malasakit pa sila sa akin kaysa kay Tatay.

As usual, maaga pa lang nasa waiting shed na kami at inaantay ang jeep papuntang bayan.  Kakaunti lang kami ngayong nakaabang sa jeep at ipinagpapasalamat ko 'yon. Dahil baka punuan na ang jeep pagkarating dito. Mapipilitan talaga kaming sa bubong na lang sumakay.

"Tagal naman yata ni kuya Mon." sabi ko dahil mag kikinse minutos na yata kaming naghihintay.

"Oo nga 'no? Baka nasiraan, patay tayo niyan." sagot ni Amalia. Pag lumampas pa ito nga 30-minutos, siguradong late na kami.

"Wala pa ba ang jeep?" boses iyon ni Tatay. Napalingon ako at nagtataka dahil magkasama silang tatlo ni Tiya Olivia at Chloe.

Umiling ako.

"Saan kayo papunta, Tay?" tanong ko dahil napansin kong nakadamit panglakad sila.

"Sa mall, ibibili ako ni Papa ng uniform."  taas kilay at nakahalukipkip na sinabi ni Chloe sa akin. Mabuti pa siya bibilhan. Samantalang ako, isang piraso lang, at ginamit ko pinambili ang ipon ko. Ma swerte na nga lang at binigay sa akin itong extra uniform ni Amalia.

"Ang tagal naman yata ng jeep." inis na sinabi ni Tiya.

"Hala, kilala ko ang sasakyang 'yan! Mama, si Elton yan! Parahin natin."sabi ni Chloe at napalingon ako sa sasakyang paparating galing bayan.

Umirap ako ng makitang sasakyan nga iyon ng lalaking 'yon. Dali-dali namang pinara ni  Chloe ito at huminto naman sa harapan namin.

Fuck and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon