"Ibaba mo ako! Ibaba mo!" sigaw ko sa kanya habang inaalis ko ang seatbelt ko.
"Geez. Could you please calm down?" aniya at tuloy tuloy pa rin ang takbo namin.
Mas lalo namang lumalakas ang ulan at hangin. Parang may bagyo na yata. Pero maayos lang naman ang panahon kanina ah.
Matapos ang maraming minuto ay lumiko kami sa isang building na hula ko'y isang hotel. Mas lalo akong kinutuban ng ma realize iyon.
Bakit niya ako dinala rito? May balak siyang masama sa akin? Tama ba ang iniisip ko?
"Kuya... please... Iuwi mo na ako." pagmamakaawa ko sa kanya at lumingon siya sa akin at bumuntong hininga.
"GG... may bagyo. Signal number 1 tayo rito at kahit pa malaki itong sasakyan ko, I won't take the risk. Ihahatid kita kapag humupa na ang ulan. Pero kailangan pa rin nating manuod sa news." marahan niyang sinabi sa akin.
Kaya pala ganito kalakas ang hangin at ulan. Kapag ganitong may bagyo ay hindi nga kami nakakaluwas dito sa bayan. Medyo napanatag ako sa dahilan niya kung bakit niya ako dinala rito.
Pero ibig bang sabihin... makakasama ko siya habang may bagyo pa? Nakaramdam ako ng kaunting kaba sa dibdib dahil sa naiisip.
Bumaba siya at umikot bago pa ako pinag buksan ng pinto ng sasakyan.
Nagkatinginan kami at ako na mismo ang nag-iwas ng tingin.Nauna na siyang naglakad at nakasunod lang ako. Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang pang-apat na palapag. Tinitingnan ko ang bawat galaw niya. Natatakot ako baka may gawin siya sa akin.
Hindi pa nakatulong na namamalisyahan ako sa mga titig niya.
Nang huminto sa tamang palapag ang elevator ay naglakad kami ulit at huminto sa isang pintuan. Apat na kwarto lang ang layo nito sa elevator.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Namangha ako sa disenyo ng lugar. Sobrang ganda nito, at halatang mamahalin. Ngayon lang ako nakapasok sa isang hotel.
"Here." aniya at inabot sa akin ang tuwalya. "Gamitin mo ang kwarto na 'yon, at doon ang sa akin." turo niya sa dalawang magka-ibang kwarto.
Tumango ako agad at pumunta na sa nasabing kwarto dahil nilalamig na ako. Hindi pa natatapos ang pagkamangha ko sa paligid. Pero mamaya na ako ulit magmamasid at maliligo na muna ako.
Agad kong hinubad ang basang uniform at nilagay sa katawan ko ang tuwalya. Nagpalinga-linga ako at nakitang wala namang pintuan sa loob ng kwarto. Walang banyo?
Nasa labas yata, kaya lumabas ako ng kwarto at hahanapin ko kung nasaan ba ang banyo.
Pagkalabas ko pa lang ay laking gulat ko ng akmang kakatok na sana siya. Halatang nagulat din siya sa biglang pagbubukas ng pintuan.
"There's no bathroom in your room, at walang heater ang common bathroom. Gamitin mo na lang muna 'yong sa akin... 'yong bathroom sa kwarto ko." sabi niya at tinalikuran ako agad.
Naka tuwalya lang ako. Pero hindi ko nakitang dumako ang mga mata niya sa katawan ko gaya ng dati. Siguro, ako lang talaga itong masyadong judgemental at dinagdagan pa ni Amalia ang pagpaparumi sa isip ko.
Pumunta ako sa kwarto niya at naamoy ko agad siya... ang amoy niya.
Ang sarap nito sa ilong. Ito rin ang amoy ng sasakyan niya, pero mas gusto ko itong sa kwarto niya.Dire-diretso ako papuntang banyo. Maganda ito, may hot tub pa! Magara ang mwebles roon at transparent naman ang parte ng banyo kung saan ka maliligo. Na excite tuloy akong maligo dahil ngayon ko pa lang mararanasan 'to!
Pinaandar ko agad ang shower at napatili ako sa lamig nito. Ang lamig! Anong klasing tubig mayro'n ang lugar na ito at para itong yelo sa sobrang lamig! Mas lalo lang tuloy akong gininaw.

BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Romansa-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...