"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Ninong sa amin. Ngayon na kami lilipat sa Maynila at mukhang doon na kami mamamalagi. Mahirap makahanap ng magandang trabaho dito sa probinsya at hindi rin naman gano'n kalaki ang pa sahod dito.
"Okay na ang lahat, Pa." sagot ni Amalia kay Ninong at napatangin siya sa akin.
Nasa loob nang jeep ang mga bata, ang mga gamit namin ay nasa isang sasakyan naman.
"Handa ka na?" aniya sa akin at tumango ako sabay taas ng kilay ko.
"Bakit naman ako hindi magiging handa?" natatawa kong tanong sa kanya.
Inakbayan niya ako at naglakad papalapit sa sasakyan. Huminto siya at hinarap ako sabay hinawakan niya ang kamay ko.
"Sa paglipat natin sa Maynila, maraming pwedeng mangyari. Maaring gumanda ang buhay natin roon at ninyo ng kambal. At maari rin silang magkita ng ama nila. Alam mong hindi imposible iyon hindi ba?" kaswal niyang tanong sa akin at ngumiti lang ako ng bahagya.
Alam ko iyon. Pero hindi ko ipipilit na ako mismo ang maghahanap ng paraan para magkita kami. Bahala na ang tadhana ang siyang magtagpo sa amin kung saka-sakali.
"Mama, anong itsura ng Maynila? Nakapunta ka na ba roon?" kuryosong tanong ni Elle sa akin habang nasa byahe kami.
Kinarga ko siya at inayos ang gulo-gulo niyang buhok na ka-kulay ng buhok ni Elton.
"Hindi pa pero matatayog ang mga building at maraming-maraming tao." magiliw kung sinabi sa kanya at kumislap ang mata niya sa sinabi ko.
"Excited na ako Mama!" magiliw niyang sinabi.
"I'm not excited." sabi naman ni Olle at nagtataka ako sa sinabi niya.
"Bakit naman, Olle?" tanong ni Amalia na nakuha rin ang atensyon sa sinabi ni Olle.
"Nabasa ko sa libro na grabe ang polusyon sa siyudad." mataman niyang sagot at namangha kaming pareho ni Amalia.
Hindi na ako nagtaka sa sagot ni Olle. Nakahiligan na niya ang magbasa ng libro. Minsan pa nga, pinapakealaman niya ang mga libro namin ni Amalia.
9 years old na ang kambal at hindi sila pumalya na makakuha medalya at lubos ko iyong ikinatuwa. Sa edad kong ito, sinong mag-aakalang may dalawa na akong anak? Kung magkasama kaming tatlo, animo'y magkapatid lang kami kong titingnan.
"Kahit dito sa probinsya may polusyon, Olle." sabi ni Amalia.
"Manila has the highest rate of pollution, Ninang." agad namang sagot ni Olle habang nagbabasa ito ng libro.
"Ayoko na! Ayokong makipagtalo sa isang scientist!" pairap na sabi ni Amalia at bumalik sa kakapindot sa cellphone niya.
Bago pa man ako babaling kay Elle ay napako na ang paningin ko kay Amalia na may malaking ngiti habang nakatutok sa cellphone niya.
Napatingin siya sa bintana na para bang may tinitingnan. Palipat-lipat ang titig niya sa cellphone at sa kalsada. Ano bang tinitingnan niya?
"Ayos ka lang, Amalia?" nagtataka kong tanong sa kanya at halatang nagulat siya sa tanong ko. Alanganin siyang ngumiti at parang may sasabihin siya na hindi niya maisatinig. Parang nag-aalangan siya.
BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Romansa-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...