Laglag ang aking panga sa biglaang pangyayari at nakangising-aso silang lahat maliban kay Keion na hindi nakikita ang ngipin sa ngiti niya. Habang nakadungaw naman ako kay Elton na naghihintay ng sagot.
Para akong mabibilaokan dahil sa kaba ko. Parang umakyat sa leeg ko ang puso ko kaya nahihirapan akong magsalita. Totoo na ba talaga 'to?
"A-Ako? P-Papakasal kasa akin?" hindi makapaniwala kong tanong.
Ngumiti siya at dahan-dahang tumango. Handa na ba talaga ako? Kailan ba magiging handa sa pagpapakasal? Hindi ko rin alam. Pero isa lang ang gusto kong mangyari. Gusto ko siyang makasama hanggang sa pagtanda namin. Gusto ko nang pagbigyan ang puso ko. Napapagod na akong malungkot at umiyak.
Siya ang dahilan ng kalungkutan at pag-iyak ko. Pero siya rin ang kasiyahan ko.
Tumango ako at nabibingi na ako sa kalabog dibdib ko. Hindi ako makasalita, basta tumango lang ako.
"Yes? It's a yes? Yes!" tuwang-tuwang sigaw ni Elton at isinuot sa akin ang singsing. Naghiyawan naman ang kalalakihan at nagsitakbuhan kay Elton.
"Congrats, man! Sulit ang pa boodle fight mo!" ani Mac at naka akbay siya kay Elton.
"Congrats, GG." bati sa akin ni Keion at niyakap niya ako. Medyo nakakailang talaga siya.
"Keion, gumalaw na tayo. Saka na natin patayin ang mga hinunting natin. Babae muna huntingin natin," ani Mac at hindi ko nakuha ang sinabi niya.
Napatingin sila sa akin at nagkatinginan sila. Parang makahulugan ang sinabing iyon ni Mac. May tinatago na naman ba sila?
"Look, GG. Elton will explain. Promise hindi na ito tungkol sa babae," paniguardo ni Taiden.
"Ano ba 'yon? Bakit hindi na lang kayo ang magsabi sa akin ngayon?" sabi ko at nagkatinginan sila.
"We'redrug lord hunters," si Taiden at nalaglag ang panga ko. As in drug lord hunters?! Nakita nila ang reaksyon sa mukha kaya nagpatuloy sila.
"We're not under the government. It's our private group. And this man right here is our leader," sabay tapik ni Dale kay Taiden.
"I'm not the leader anymore. It's Keion," si Taiden.
"Tekateka, sandali. Naguguluhan ako!" sabi ko at natigil sila sa pagsasalita. "Group? Drug lord hunters? Bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Because we don't trust the government. Just ask Elton," ani Mac.
"I will explain everything to you, GG," ani Elton.
"B-Bakit kayo? I meanhindi ba delikado 'yan?"
"It is risky, yes. Pero gusto namin ang ginagawa namin, and pati na rin kalaban sa negosyo, kasali na," giit ni Mozes.
So ito ang trabaho nila? Pumapatay sila ng tao? Bigla akong nanalamig sa naiisip.
"P-Pumapataykayo?" alinlangan kong tanong ko at nagkatinginan ulit sila.
"Yes we do, especially now that some of us already has family's like Taiden, Dale and now, Elton. Pero sinisiguro namin ang kaligtasan ninyo," paliwanag ni Keion pero hindi pa rin ako makakalma sa nalaman.
"Paano kung hindi? Paano kungmay mangyari? Sa mga anak namin? Paano kayo nakakasiguro?" sunod-sunod kong tanong.
"I know it's difficult to understand. But can you try to talk to Zella and Suzie? They can explain to you about it," si Taiden.
Ibig sabihin alam nila na ganito ang ginagawa nila? At okay lang ba sa kanila kahit mameligro ang buhay namin? Hindi ko yata kayang magising sa bawat araw na alam kung pwedeng may mangyari sa amin dahil sa trabaho nila.

BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Roman d'amour-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...