Kabanata 12

13.1K 343 44
                                    

Matapos ang parade sa opening salvo ay agad namang ginanap ang mga sports. Samantalang kami ni Amalia ay nag-aabang na kay Kuya Mon, para mauwi na. Kakalabas pa lang namin sa gate ay pareho kaming napahinto sa paglalakad, pareho yata kami ng nakikita ni Amalia. Si Elton. Nakahilig sa sasakyan niya at nakatingin sa amin...sa akin. Umayos siya sa pagkakatayo at nagsimulang maglakad papalapit sa amin ni Amalia.

"Amalia... nakikita mo ba ang nakikita ko?" paninigurado kong tanong sa kanya dahil baka namamalikmata lang ako.

"Oo, GG. Ang future mo naglalakad papalapit sa atin." sagot niya.

"Hi." bati niya nang makalapit sa amin. Sa akin lang ang titig niya.

"Hello Kuya! Bakit ka narito?" tanong ni Amalia. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung bakit, pero grabeng kaba na ang nararamdaman ko sa dibdib ko.

"I had some business in Manila... kaya matagal akong hindi nakabalik." sagot niya kay Amalia bago napunta sa akin ang mga titig niya.

Napatingin siya sa may likuran ko at ibinalik niya sa akin ang mga titig niya.

"Intramurals?" tanong niya sa akin at tumango naman ako. "Then, where are you two going?" may pagtataka niyang tanong dahil kami lang ang estudyanteng nasa labas.

"Uuwi na." sagot ko.

Kumunot naman ang noo niya at unti-unting sumilay ang ngiti. Ako naman ngayon ang nakakunot ang noo.

"Great! Naghihintay na sila sa atin sa sapa." sagot niya at agad akong hinila.

"Sila? Sinong sila Kuya?" nakasunod sa aming tanong ni Amalia.

"My friends." aniya at nagkatinginan kami ni Amalia.

Ibang klasing tuwa ang nakikita ko sa mukha ni Amalia. Alam ko ang nasa isipan niya. Kulang na lang ay kumislap ang mga mata niya sa tuwa.

"Kuya, kasama mo ba 'yong kausap mo sa video call dati?" kuryosong tanong ni Amalia kahit kakapasok lang namin sa sasakyan.

Bahagyang tumawa si Elton at napailing bago niya nilingon si Amalia sa likuran namin.

"Do you have a crush on Mozes?" nakataas ang kilay na tanong ni Elton sa kanya. Habang sobrang laki ng ngisi niya. Hindi ba siya nahihiyang ipahalata ito sa ibang tao?

"Yes Kuya. Ipakilala mo naman ako, o." pakiusap niya kay Elton.

"Alright." tugon ni Elton at pinaandar na niya ang sasakyan.

Bakit naman kaya nandito ang mga kaibigan niya? At bakit nasa sapa sila?

Pagdating namin sa sapa ay nakita ko na agad ang mga nakahilirang magagarang sasakyan. Bumaba agad kami at lumingon sa amin ang mga lalaki kasama ang dalawang babae.

Nagsipolan ang mga lalaki nang makita kami at ang iba naman ay kumakaway-kaway.

Naunang naglakad sa amin si Elton dahil hinila ako paatras ni Amalia.

"GG! Tingnan mo... malayo pa lang ang po-pogi nila! Pero sino kaya 'yang dalawang babae?" mariin niyang tanong sa akin.

"Huwag ako ang tanungin mo, Amalia. Pareho tayong walang alam.. at wala tayong pakialam kung sino man 'yang mga babae." mataman kong sinabi.

"Hey, come on." tawag sa amin ni Elton.

Papalapit na kami sa grupo at malalaki ang ngiti nila. Lahat sila ay naliligo.

"My man... that's bad." sabay tawanan ng mga lalaki at napatawa rin ang isang babae. Samantalang ang isang babae ay bahagya lang napangiti.

"Shut the fuck up, Mozes." mariing sagot ni Elton at napaupo na sa bato sabay hubad niya sa damit niya. Ngayon, lahat ng mga lalaki ay nakahubad na.

Fuck and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon