Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko. Naging masama ba akong tao para parusahan ng ganito? Simpleng kasiyahan at buhay lang naman ang hiniling ko. Pero bakit ganitoang gulo-gulo ng buhay ko at bigla pang nawala si Amalia at tatlong araw na ang nakalipas.
Hindi namin siya ma contact at wala kaming ideya kung saan siya pwedeng hanapin. Nagpatulong na kami sa mga police, pero wala pa ring balita. Bakit naman kaya siya naglayas? Sa sobrang busy kong atupagin ang sarili kong problema ay hindi ko na namalayan na baka mayroon ring pinagdadaanan ang kaibigan ko.
Sobrang makasarili ko sa panahong ito, dahil alam kong kung nandito lang si Amalia ay hihingin ko ang opinion niya sa naisip kong desisyon. Kung tama ba ang gusto kong mangyari o baka pagsisihan ko ito sa huli.
Matagal akong nagising at nagtataka ako kung bakit hindi ako ginising ng kambal. Madalas naman nila iyong ginagawa. Nagkibibit balikat na lang ako at baka hindi pa sila nagigising. Pababa ako sa hagdanan nang makita ulit ang lalaking sobrang tigas ng bungo.
Ipinagtataka ko kung bakit nakayakapa sa kanya ang dalawang bata...at parang umiiyak ang mga ito. Agad nagsimula ang galit sa kalooban ko sa nakikita.
"Anong ginawa mo?!" pagalit kong tanong at nagtagpo ang mga paningin namin. Nagulat akong pati siya...ay umiiyak.
Kumalas sa pagkakayakap ang kambal at humarap sa akin. Mariin ang titig nila sa akin habang may mga luha sa mga mata. Ano bang nangyayari?
"Siya ang Daddy namin, Mama?" tanong sa akin ni Elle at nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Nadako ang paningin ko kay Elton na iniiwasan ang mga titig ko. Mas lalo namang nag-alab ang galit sa kalooban ko. Anong karapatan niya para sabihin sa mga bata ang totoo? Wala siyang karapatan kahit na katiting!
Nangangapa ako ng mga salita, ng isasagot. Wala na akong makitang paraan para magsinungaling sa mga anak ko. Ang naiisip ko na lang ay ang galit ko kay Elton dahil pinapangunahan niya ako. Sa tagal kong nakasagot ay nagsalita si Olle.
"That's why we got the same hair color." aniya at huminga ako ng malalim. Wala na akong takas pa. Binigyan ko ng matalim na titig si Elton na ngayon ay nakatingin na sa akin.
"O-o...siya ang D-Daddy niyo." sabi ko
"Magpapaliwanag si Mama sa inyo. Pwede bang iwan niyo muna kami ng Daddy niyo? Mag-uusap lang kami." utos ko sa kambal at tumingin muna sila kay Elton at tumango si Elton at ngumiti. Iniwan nga kami ng kambal at agad na akong pumutok.
"Bakit mo sinabi sa kanila? Anong karapatan mo para sabihin sa kanila-"
"Wala akong karapatan? I'm the father for fuck sake! I have all the right to tell them the tru-" bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay isang mainit na sampal ang iginawad ko sa kanya.
Ramdam ko ang sakit sa palad ko dahil sa lakas no'n
"Dahil sa naitulong mo sa amin, dahil ba doon pakiramdam mo may karapatan ka na? Sa tingin mo sapat iyon? Sa tingin mo iyon ang kinailangan ko sa mga panahong iyon ha, Elton? Hindi! Ikaw ang kailangan ko no'n! Hindi ang pera mo." galit na galit kong sikmat sa kanya at nangingilid ang luha ko sa mga sinabi. Nakatayo lang siya at nakikita ko sa mukha niya ang sakit at pagsisisi. Pero hindi ko pinansin iyon.
Gusto niyang abutin ang kamay ko pero iniwas ko iyon. Napasabunot siya sa ulo niya na para bang hirap na hirap siya.
"I was kidnapped, GG. I was held by someone! Kaya hindi ako nakabalik, pero nang nailigtas ako ng mga kaibigan ko. Ikaw ang una ng-una kong pinuntahan. Pero wala ka na..." aniya at gulat na gulat ako sa mga nalaman. Kidnap? Bakit naman mangyayari iyon sa kanya? Gusto kong panatilihin ang galit ko pero nababahala na ako dahil nagsisimula ng masira ang pader ng galit ko.
"I was ready to die, but then, you keep showing in my dreams. You gave me the reason to fight for my life that I was ready to give up... You saved me, GG. Please believeme... for once." dugtong niyang salaysay at mas lalo akong nawindang sa mga sinabi niya. Ngayon guhong-guho na ang pader na nabuo ko. Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko alam kong totoo ba ang mga pinagsasabi niya pero ang bilis kong naniwala.
Napansin ko ang dahan-dahan niyang pag-uunbutton niya sa button down shirt niya na ikinataka ko. Maghuhubad siya?
"B-Bakit ka naghuhubad?" nagtataka kong tanong ngunit hindi siya sumagot, sa halip ay ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Pinabayaan ko siya at parang tinusok ng pinong-pino ang puso ko sa nakita. Napatakip ako sa bibig ko at agad lumandas ang luha sa mga mata ko.
Sobrang daming peklat sa katawan niya. Ang iba ay mahahaba at may marking 'x' sa dibdib niya na isa ring peklat. Anong nangyari sa kanya? Anong klasing tao ang makakagawa sa kanya nito? Wala sa sarili akong lumapit at hinawakan ang peklat niya.
Bahagya siyang napaatras kahit kakalapat pa lang ng kamay ko sa dibdib niya na para bang napapaso siya sa pagkakahawak ko.
"Do not touch me." aniya sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang magpahawak sa akin. Hindi ako nakinig at mabilis na hinawakan ang buong dibdib niya at nakatingin ako sa kanya.
Narinig kong mahina siyang nagmura at laking gulat ko sa sunod niyang ginawa. Huli na nang ma realize ko ang nangyayari. Isang malambot na labi ang dumampi sa aking labi habang hawak hawak niya ang magkabilang pisngi ko.
Nakapikit siya at nakatingin lang ako sa kanya. Bumalik sa akin ang pakiramdam na matagal ng natutulog sa akin. Hinanap ko ang pakiramdam na ito kay Joseph, pero hindi ko nakita. Ito ang pakiramdam ko noong unang naglapat ang mga labi namin sa hotel.
Nanghihina ang buo kong katawan sa rahan ng paghalik niya. Parang bawat sulok ng labi ay wala siyang gustong palampasin. Nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko kasabay nang maalala kung ano ang ginagawa namin.
Umatras ako at tumalikod. Habol ko ang hininga ko at uminit ang pisngi ko sa nangyari. Hindi niya dapat iyon ginawa. Baka nakakalimutan niyang magkapatid kami!
"I'm sorry... I told you to do not touch me, pero matigas ang ulo mo." giit niya
"Bakit nangyari iyan sayo? Sinong gumawa niyan sayo?" tanong ko habang nakatalikod pa rin. Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Napansin kong hindi siya umimik kaya napilitan akong harapin siya. Sana lang talaga ay hindi namumula ang pisngi ko ngayon. Nakayuko siya at inaayos ang damit niya na para bang wala siyang narinig.
"I'll be back late-"
"Bakit hindi ka makasagot?" putol ko sa kanya dahil akmang tatalikod na sana siya para umalis.
"It's not important-"
"Gusto ko pa rin malaman."
Napatingin siya at umigting ang panga niya. Napawahak siya sa tulay ng ilong niya at bahagya siyang pumikit na para bang nahihirapan siyang sumagot sa tanong ko. Alin ba ang mahirap doon? Gusto lang naman malaman.
"Ano?" pilit ko sa kanya dahil nauubos na ang aking pasensya.
"Tatay mo. Siya ang gumawa nitong lahat sa akin." aniya at agad akong nanlamig sa sagot niya. Nilukob ako ng lamig sa buong katawan at takot. Umiling ako ng paulit-paulit. Hindi magagawa iyon ng Tatay ko.
"Huwag na huwag mong aakusahan si Tatay-"
"It's true. He did all of these to me. He turtored me, dahil sa galit niya kay Daddy ay ako ang ginamit niya para maghiganti kay Dad." mataman niyang sinabi at pailing-iling ako. Hindi ako naniniwala na kaya itong gawin ni Tatay. Hindi gano'ng klasing tao si Tatay.
"Dadalhin kita sa kanya kung gusto mo." dugtong niya at nakuha niya ako sa sinabi niya.
Alam niya kung nasaan si Tatay?
"Nasaan siya? Gusto ko siyang makita. Dalhin mo 'ko sa kanya." mabilis kong sinabi. Gustong-gusto ko ng makita at makausap si Tatay. Labing tatlong taon lang ako ng huli kaming magkita. Minsan, inaakala ko na nga na baka wala na si Tatay...na baka patay na siya.
Hindi ko lubusang maramdam ang saya dahil sa mga natuklasan ko ngayon. Ang dami kong gustong malaman at maintindihan. Siya lang ang makakapagliwanag sa akin ng lahat. At kung sakali mang totoo nga ang sinabi ni Elton, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko para sa Tatay ko.
Sana nagsisinungaling lang si Elton.

BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Romance-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...