Dinala ko sa sala si Chloe para makapag-usap kami. Masyadong maingay ang mga kalalakihan sa pool side kaya dito ko na siya dinala. Habang naglalakad kami ay napansin ko ang mga mapanuri niyang mga mata sa kabahayan.
"Anong kailangan mo?" tanong ko agad at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko gamit ang dalawang mga kamay niya. Naestatwa ako dahil sa pagkabigla ko sa ginawa niya at parang nagmamakaawa ang mukha niya.
"GG, tulungan mo naman si Mama, o. Nakulong siya dahil sa perang ginalaw niya galing sa isang chinese national na boyfriend ni Mama. Please... maawa ka kay Mama, GG." pagmamakaawa niya sa akin.
Ito ang dahilan niya kung bakit siya narito? Naaawa man ako kay Tiya pero hindi ko nakakalimutan kung paano nila ako tratuhin noon, at bukod pa roon. Wala naman akong pera, galing naman kay Elton ang lahat ng 'to.
"Pasensya ka na Chloe, wala rin akong pera." sagot ko sa kanya. Nalukot ang mukha niya sa sagot ko na para bang hindi iyon ang inaasahan niyang isasagot ko.
"Wala kang pera? Pero may ganito kang bahay? Ang sabihin mo, hindi ka naaawa sa amin!" mariin niyang sabi sa akin. Kumulo agad ang dugo ko sa sinabi niyang hindi ako naawa sa kanila.
"Bakit, noon? Naawa ba kayo sa akin, Chloe? Naawa ba kayo sa akin kung gaano niyo ko tratuhin sa sarili kong bahay? May utang na loob ba ako sa inyo ni Tiya? Sa pagkaalam ko ay wala. Kaya hindi mo ako mapipilit na tulungan kayo dahil ako man noon ay hindi niyo rin tinulungan." mataman kong sinabi.
Nag-ibang anyo ang ekspresyon sa mukha ni Chloe at nakikita ko ang galit sa mga mata niya dahil sa mga sinabi ko na matagal ko ng tinitimpi.
"Wala kang utang na loob! Madrasta mo pa rin si Mama kaya nararapat lang na tulungan mo siya!" sigaw niya sa akin at nakita ko ang paglipad ng palad niya. Alam kong sasampalin niya ako.
"Don't you dare, Chloe!" isang malalim na boses ang narinig ko at nakita ko ang pagtigil sa gagawin sana ni Chloe. Laglag ang kanyang panga habang nakatingin siya sa likuran ko.
Ang boses na iyon. Kilala ko ang boses na iyon at hindi ako pwedeng magkamali. Agad akong nilukob ng kaba dahil nanatili pa rin ang itsura ni Chloe. Dahan dahan akong napalingon sa likuran ko at nakita ko roon ang hindi ko alam kung totoo ba o multo.
Naka puting V-neck shirt siya at lumang maong na pantalon. May band-aid ang kabilang noo niya at may kunting mga gasgas ang braso niya. Laglag ang panga ko nang makita siya. Paano nangyari 'to? Bakit buhay si Elton?
Imbis na matakot at kahit maraming katanungan sa isipan ko ay agad akong tumakbo papunta sa kanya. Nalaglag ang luha sa mga mata ko sa sobrang tuwang nararamdaman ko. Agad akong tumalon at sinalo niya ako ng yakap. Hawak niya ang pang-upo ko at nakakapit sa likuran niya ang dalawang binti ko.
Mahigpit ang yakap ko sa leeg niya at napahagulhol na ako sa pag-iyak dahil sa sobrang saya ko. Niyakap niya rin ako pabalik at naramdaman kong inamoy niya ang leeg ko.
"B-Bakit...P-Paanong." tanong ko, hindi ko maayos ang pagsasalita ko dahil sa pag-iyak.
"Hush...Stop crying, nasasaktan ako." giit niya pero hindi ko pa rin mapigil ang mga luha ko sa sobrang tuwa. Kung nanaginip man ako ngayon, sana ay huwag na lang akong magising.
"Parang gusto ko na lang mamatay ng paulit-paulit kung ganito naman ang sasalubong sa akin. Ang sarap mamatay." aniya at humalakhak siya. Kumalas ako sa pagkakayakap ngunit karga-karga niya pa rin ako. Binigyan ko siya ng isang masamang tingin dahil sa pagbibiro niya sa akin at biglang naging seryoso ang mukha niya.
"H-Hindi tayo magkap-"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ay lumapat na ang labi niya sa akin.
Elton's POV

BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Romance-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...