Kabanata 10

16K 374 140
                                        

Nasanay na  ako na maagang nagigising kaya alas-4 pa lang ay gising na ako. Nakikita ko sa bintana na humupa na ang ulan, kaya baka makauwi na ako mamaya.

Kailangan ko pang pumasok ngayon, kaya, maliligo na lang ako. Agad akong bumangon para makapaligo na.
Alam ko naman na ang pasikot-sikot dito kaya hindi ko

na lang aabalahin si Elton.

Napahinto  ako sa paglalakad nang maalala ko na sa kwarto lang ni Elton mayro'ng heater. Kung papasok ako sa kwarto niya, baka ma abala ko pa siya. Susubukan ko na lang muna sa common bathroom.

Unang patak pa lang ng tubig ay nanayo na ang balahibo ko sa sobrang lamig. Hindi ko kaya, baka magkasakit pa ako. Dahan-dahanin ko na lang ang pagbubukas sa pintuan ng kwarto niya.

Natatanaw ko na ang pinto ng kwarto niya at bayolente na ang kalabog ng puso ko. Kinakabahan ako baka ma-disturbo ko siya.

Hawak-hawak ko ang doorknob at unti-unti ko itong pinihit at sumilip muna ako. Nakita ko agad siya na nakakaob na natutulog at suot niya lang ay boxer short.

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa likod niyang mukhang matigas at sa mabibilog na pang-upo niya. Mabalahibo rin pala ang mga binti niya.

Sinampal ko ng bahagya ang aking sarili dahil nakatitig lang ako kay Elton. Dumiretso na ako agad sa banyo upang makapaligo na. Ito pa ang isang problema ko, paano ko aabutin ang heater button?

Naghanap ako ng pwedeng mapatungan pero wala. Tinitigan ko ito dahil nag-iisip ako ng paraan kung paano ko ba ito mapipindot. Nagulat ako ng biglang nakarinig ako ng isang tonog ng tubig na parang galing sa isang gripo.

Napabaling ako agad sa likuran ko at napatakip sa aking bibig ng makitang si Elton ito, umiihi! Nakapikit siya at  agad akong nag-iwas ng tingin dahil natatakot ako baka saan pa mapunta ng mga mata ko! Pero may nakita ako sa peripheral view ko!

Pumikit ako ng mariin at umiling-iling para makalimutan iyon!Sobrang bata ko pa para makakita ng mga gano'ng tanawin.

"Shit!" sabi ni Elton at hindi pa rin ako lumilingon.

"Anong ginagawa mo diyan? Papatayin mo ba ako sa gulat? Akala ko multo! Naka puting tuwalya ka pa naman."  aniya at hindi pa rin ako lumilingon.

"Uh... ano kasi...maliligo na ako." sagot ko.

"At this hour? It's too early ." sabi niya at ngayon ko lang napansin ang pagbabago sa boses niya. Ganito pala ang boses ng lalaki kapag bagong gising?

"Sanay na ako. Ganito ako palagi sa amin." sagot ko.

"7am pa ang klase mo 'di ba?" tanong niya ulit.

"Oo."

"Your school is just 15 minutes away from here. So, matulog ka ulit. Gigisingin kita mamaya." aniya sa isang madiin na boses.

Umiling ako agad. "Okay lang."

"Babi...please." aniya at nandilat ako sa dingding. Anong tinawag niya sa akin? Babi? O mali lang ako ng narinig. Pa simple kung kinapa ang dibdib ko at huminga ng malalim.

"S-Sige...matutulog ako ulit." kinakabahan kong sinabi.

"Alright and... bakit hindi mo 'ko tinitingnan?" aniya. Seryoso ba siya?Ni wala siya halos saplot tapos gusto niyang tingnan ko siya?

"M-May suot ka?" pati ako naguguluhan sa tinanong ko. Alangan naman wala siyang suot! Siyempre, meron, pero boxer nga lang.

"Oh.. fuck." narinig kong mahinang sinabi niya. "Mamaya ka na lumabas. Give me a sec." sabi niya.

Fuck and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon