Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, parang may mali. Si Tatay lang naman ang bibisitahin namin pero mukha pang date ang ayos ko! Tumayo ako at agad nagtungo sa closet at namili ng ibang masusuot. Pero nasa gitna ako ng paghahalungkat ng iba kong damit nang may naisip.
Bakit ako magpapalit? Ito ang gusto kung suotin, pake ko ba sa Elton na 'yon. At isa pa, hindi naman para sa kanya ang pag-aayos ko ah. Kaya imbis na magbihis ay bumalik ako sa salamin para tingnan ng huling beses ang sarili. Inalog ko ang ulo ko nang bigla akong nangiti sa salamin.
Plain black skirt at may bralette na puti. May kapares din ang skirt na itim na blazer. Bigay sa akin ito ni Amalia noong kaarawan ko at hindi ko pa nagagamit dahil hindi ko alam kung kailan ko ba dapat isusuot ang damit na ito. Sabi naman sa akin ni Amalia ay suotin ko raw ito sa mga importante kong lakad. Importante naman ang lalakarin ko ngayon kaya ginamit ko na.
Huli kong sinuot ang black pumps ko na ginagamit ko noong nag ta-trabaho pa ako sa car store sa probinsya. Ngayon ko lang naisip, ako lang ang slacks lang ang pinapasuot sa akin, samantalang sobrang iksing palda naman sa iba kong kasamahan. Kaya ba ayaw nila ako pasuotin ng skirt dahil hindi bagay sa akin?
Tiningnan ko ulit ang sarili at nakikita ko namang maayos lang naman ako tingnan. Isang mahinang katok ang narinig ko at agad pumasok ang kambal. Sobrang laki ng ngisi nila nang pumasok sila, pero nang makita nila ako...ang suot ko, ay bigla silang natigilan at laglag ang mga panga.
Hindi nga yata siguro bagay sa akin ang suot ko.
"Wow..." tanging sabi ni Olle.
"Mama, ang ganda-ganda mo." ani naman ni Elle.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil alam kong hindi nagsisinungaling ang mga bata.
"Talaga? Sexy ba si Mama?" magiliw kong tanong at nagpaikot-ikot.
"Finally! Sinuot mo rin!" sabi ni Amalia at laking gulat ko nang makita siya. Agad akong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
"Nandito ka na. Saan ka ba galing? Alam mo bang pinag-alala mo kami?" naiinis kong sabi sa kanya at sa halip na sagutin ako ay niyakap niya ako pabalik. Kakaiba ang pakiramdam ko sa pagkakayakap niya sa akin.
"Huwag ka ng mag-alala, nandito na nga ako, o! Bumaba ka na at naghihintay na ang date mo sa baba." biro niya sa akin at mahina ko siyang kinurot sa tagiliran.
"Date ka diyan. Hindi kami magda-date no. Pupuntahan namin si Tatay." giit ko.
"Alam na pala nila?" aniya, tinutukoy niya ang tungkol sa mga bata at tumango ako.
"May hihintay lang ako, GG. At kapag nasiguro ko na, ang gusto kong gawin mo ay piliin mo ang magpapasaya sayo. Deserve mo 'yon, at alam mo kung ano ang tinutukoy ko." saad ni Amalia sa akin.
Nagtataka ako sa sinabi niya.
"Masisiguro ang alin?" nagtataka kong tanong.
"Basta sa susunod mo na ako kulitin. Umalis ka na." sabay pabiro niyang sampal sa pang upo ko.
"Sana ganyan rin ang katawan ko." bigla niyang sinabi at kumunot ang noo ko.
"Amalia..." tawag ko sa kanya dahil nakitang nalungkot ang mukha niyang nakatingin sa akin. At kumislap ang mga mata niya na para bang maiiyak siya.
Hindi naman siya sobrang taba, chubby lang. Pero makurbada ang katawan niya. Sinubukan niya naman mag diet, pero nahihirapan siya. Parang gusto ko na tuloy ipagpaliban ang lakad ko dahil mukhang kailangan ako ng kaibigan. Pero nag pumilit siyang mamaya na lang daw kami mag-usap pagkabalik ko.
Kasama ko ang tatlo pababa sa hagdanan at natatanaw ko na si Elton na naghihintay sa akin. Napansin ko agad ang damit niya. Parang pamilyar sa akin pero hindi ko na lang masyadong pinansin. Nauna ang kambal sa pagtakbo pababa kaya napabaling si Elton sa akin...sa suot ko.
Bahagyang bumukas ang bibig niya at isang beses kong nakitang lumunok siya. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagkurot sa akin ni Amalia sa likuran ko.
"Tara na?" aya ko sa kanya nang narating namin ang baba. Pero nagtataka ako nang hindi siya umimik, nakatingin lang siya sa akin.
"Ano?" kuha ko ulit sa atensyon niya at nagpakurap-kurap siya. Hindi nakatakas sa teynga ko ang mahina niyang pagmumura.
"Let's go." aniya at nagpaalam siya sa mga bata. Parang may kung anong kumurot sa puso ko sa nakikita habang karga niya ang dalawa. Ang hirap-hirap ng sitwasyon ko. Abot kamay ko na ang ama ng mga anak ko...pero hindi ko maabot.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan at umikot siya matapos akong makapasok. Bago pa niya pinaandar ang sasakyan ay nakita kong nadako muna ang mga paningin niya sa hita ko. Uminit agad ang pisngi ko sa nasaksihan lalo na at na abutan niya akong nakatingin sa kanya.
Sabay kaming nag-iwas ng tingin at sa bintana ko na ang titig ko habang pinapaandar na niya ang sasakyan. Walang nagsalita sa amin hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.
"Bakit ganyan ang suot mo?" bigla niyang tanong ngunit sa kalsada lang ang tingin niya.
Pakealam ba niya sa suot ko? Umirap ako at napatingin sa kanya.
"Anong masama sa suot ko?" iritado kong tanong.
"I don't like it." sagot niya agad.
Ano naman ngayon kong hindi mo gusto ang suot ko? sa isipan ko.
"Do I need your approval...Kuya?" sinadya kong pabitin na bigkasin ang huli at umigting ang panga niya roon. Bigla siyang may inabot sa likuran, isang maliit na...unan? Anong gagawin niya sa unan?Ipinatong niya ang unan sa kandungan niya at nagtataka ako roon.
"Para saan 'yan?" tanong ko at matalim niya akong tiningnan. Anong problema niya? Bakit mukha siyang galit? Wala naman akong ginawang ikakagalit niya, ah.
"Just stop calling me Kuya." aniya at pinasok agad ng demonyo ang utak ko.
"Kuya." sabi ko at mas lalong humigpit ang hawak niya sa manibela. Mukha rin siyang naiinis at ewan ko ba pero naaaliw akong tingnan siyang naiinis.
"Fuck!" mariin niyang mura.
"Problema mo? Para iniinis ka lang e, nagmumura ka diyan agad." sabi ko, ako naman ngayon ang naiinis.
"Masama bang tawagin kitang, Kuya? Eh, Kuya naman talaga kit-"
"See that? Now, can you clearly understand why you should stop calling me that?" putol niya sa akin at uminit ang pisngi ko na parang hinahatak ito. Nabibingi rin ako sa biglang pagkalabog ng dibdib ko nang makitang inalis niya ang unan sa kandungan niya at nakita ko ang...ang ano niyang parang kakawala na sa pantalon niya ano mang oras.
Hindi ko ipinahalatang naapektuhan ako sa nakikita, sa halip ay mas tinitgan iyon.
"Anong koneksyon ng pagtawag ko sayo ng Kuya diyan?" taas kilay kong tanong.
Bago pa niya ako sinagot at huminga muna siya ng malalim.
"It turns me on, GG. It flips my switch, now, the only reason that's holding me to fuck you in that very seat of yours is because we're siblings. Titigil ka na ba? O itatabi ko na ang sasakyan?" normal niyang sagot at pakiramdam ko umakyat sa lalamunan ko ang puso ko.
Nag-iwas agad ako ng tingin at bumalik sa pagtingin sa bintana. Kagat kagat ko ang labi ko at taas baba na ang paghinga ko.
Natu-turn on siya kapag tinatawag ko siyang 'Kuya'? O baka kahit sinong tumawag no'n sa kanya ay natu-turn on siya? At ang huli niyang sinabi kung hindi ba kami magkapatid ay...ay may ginawa na siya sa akin?

BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Roman d'amour-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...