Hindi ko pa rin lubos maisip ang nadiskubre ko. Magkapatid kami? Paano na ang mga anak ko? Paano ko ito maipapaliwanag sa kanila? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila ang lahat. Magdudusa ang mga anak ko. Kasalanan niya 'to lahat. Alam niya simula noon ang tungkol sa amin pero mas pinili niyang mangyari sa amin ang bagay na hindi naman dapat nangyari!
Pagpasok ko sa loob ay agad kong nadatnan si Ninang na naglilinis. Sigurado akong hindi ko na maitatago ang mga mata kong hindi pa rin natutuyuan ng luha.
"GG..." ani ni Ninang at agad akong sinalubong ng yakap. Napahagulhol ulit ako sa hindi ko maintindihang sakit. Parang wala ng mas sasakit pa sa nalaman ko. Hindi bale nang walang ama ang mga anak ko, kaysa ang malamang kapatid ko ang ama nila!
"Bakit, ano'ng nangyari?" tanong sa akin ni Ninang habang hagod ang likuran ko. Narinig kong bumukas ang pinto at sumara ito.
"Anong nangyari, Amalia?" nag-aalalang tanong ni Ninang.
"Magkapatid sila ni Elton, Ma..." matamang sagot ni Amalia at hindi umimik si Ninang.
"Siguro... panahon na para malaman mo ang nangyari noon, GG." saad ni Ninang at napaangat ako ng tingin sa kanya na punong-puno ng kuryusidad ang mukha ko.
"Ano po iyon" mahina kong sabi.
"Bago pa man mabili ng pamilyang Roux ang lupang iyon ay nando'n na kami kasama ang mga magulang mo. Bagong kasal sila no'n nang nabili na nga ng mga Roux ang lugar natin." panimulang salaysay ni Ninang. "May pamilya na rin ang Don noon pero palagi siyang bumibisita sa lugar natin. Napakabait niya sa mga tao roon, lalong lalo na sa Nanay mo..."
"Kay Nanay?" tanong ko at tumango naman si Ninang.
"Napapansin ko na ang pagiging malapit nila sa isa't-isa ngunit nanahimik lang ako. Ayokong pangunahan ang Nanay mo sa mga desisyon niya. Hanggang sa nabuntis ang iyong ina...pero hindi siya sigurado kong sino ang ama mo. Huli na nang malaman ng Tatay mo ang relasyon nila ng Don, kaya alam ko kung bakit gano'n na lang ang trato sayo ng Tatay mo, GG. Minsan na ring napabisita roon ang Donya at galit na galit sa nalaman, ngunit hindi na muling nagpakita ang Don sa atin. Hindi ko alam kung bakit pero masyadong nalungkot ang iyong ina. Araw-araw siyang umiiyak dahil nagsisisi siya sa mga nangyari. Mahal ng Nanay mo ang Tatay mo...pero may mga bagay talaga na hindi natin kayang pigilan."
Napasinghap ako sa salaysay ni Ninang. Tama nga ako sa hinuha ko kung bakit gano'n si Tatay sa akin. Pero...
"Ma, sabi mo hindi sigurado kung sino ang ama ni GG?" Naputol ako sa pag-iisip nang magsalita si Amalia. Nakita ko namang tumango si Ninang.
"Iyon ang sabi niya sa akin bago namatay ang kaibigan ko. Pero...bigla na lang may nagpadala ng DNA test...at Tatay mo ang nakatanggap." ani Ninang sabay tingin niya sa akin sa isang malamlam na mga mata. Agad nangilid ang mga luha ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin.
Palakad-lakad sa parehong direksyon si Amalia na para bang nag-iisip pero halata ang kaguluhan sa mukha niya. Kinuha niya ang cellphone at mukhang may tinawagan bago pa siya lumabas ulit ng bahay.
"Pasensya ka na, GG. Ngayon ko lang sinabi sa iyo ito at nagsisisi ako. Kung sana maaga kong sinabi sayo ang lahat, sana hindi na nangyari ang lahat sa inyo ni Elton." malungkot na saad ni Ninang pero wala man lang akong maramdaman na kahit ano. Nasa mga anak ko ang isipan ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon.
Hanggang sa gumabi ay iyon lang ang tangi kong naiisip at hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Nagising na lang akong parang may lumulundag sa kama ko. Napangiti ako nang makitang ang kambal iyon.
"Mama! Gising na! Ang daming mga laruan at gamit sa baba. Mamaya na raw namin bubuksan kapag gising ka na sabi ni Ninang Amalia." agad akong napabalikwas sa kama sa sinabi ni Elle.
BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Romantizm-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...