We all make mistakes, have struggles, and even regret things in our past.
But we are not our mistakes, we are not our struggles, and we are here now with the power to shape our day and our future.It was a roller coaster ride. Hindi madali ang naging pagpapalaki ko sa kambal. Kung hindi dahil sa tulong nila Ninang, Amalia at Joseph ay hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin.
Matapos ang first birthday ng kambal ay agad akong naghanap ng trabaho. Si Ninang at Ninong ang nag presentang mag-alaga sa kambal habang nagtatrabaho ako. Laking pasasalamat ko rin dahil kahit sobrang hirap ng dinanas ko sa paghahanap ng trabaho ay natanggap naman ako bilang showgirl ng mga sasakyan sa isang malaking kompanya.
Akala ko iyon lang ang swerte ko, ngunit para akong nanalo sa lotto nang inalok ako ng kompanya ng isang full scholarship program. Sinunggaban ko iyon kaagad kahit parang mahahati ang katawan ko sa sobrang pagod.
Limang oras ako bilang isang showgirl. Pagkatapos no'n ay diretso na ako sa klase ko hanggang alas-5 ng hapon. Pagkauwi ko naman ay kinukuha ko kay Ninang ang kambal. Paminsan-minsan ding dumadalaw sa amin si Joseph dahil hindi ko tinanggap ang alok niya noon.
Ayokong maka agrabyado pa ng ibang tao. Sa magkaibang paaralan kami nag-aaral ni Amalia hanggang nag kolehiyo kami. Pinagsikapan kong makakuha palagi ng mataas na marka upang hindi mawala sa akin ang scholarship.
I took up Bachelor of Science in Agriculture. Lumaki kasi ako sa pagsasaka kasama si Tatay kaya iyon ang kinuha ko. Pangarap kong makabili ng sariling lupa at gawin itong palayan. Malapit sa puso ko ang palayan dahil ito na ang kinalakihan ko.
Lahat nang iyon ay nagawa ko sa tulong ng mga taong nasa paligid ko... lalo na ang mga anak ko. Naranasan kong magkasakit dahil sa sobrang pagtatrabaho at ni wala halos akong pahinga. Pero lahat ng iyon ay nagbunga.
"Congratulations, Mama!" Elle shout at me happily. Patakbo siyang papalapit sa akin samantalang si Olle naman ay nakangisi lang sa likuran.
"Thank you, Elle. Are you proud of me, hmm?" tanong ko sa kanya habang nakayakap siya sa leeg ko.
"Yes! Proud na proud, Mama!" magiliw niyang sagot at pinugpog ako ng halik sa pisngi.
"Oh, Olle? Anong drama meron tayo ngayon ha?" pang-iinis ni Amalia kay Olle. Hindi siya pinansin ni Olle at nagtaka ako nang kumalas si Elle sa pagkakayakap sa akin.
Laking gulat ko nang biglang tumakbo ng sobrang bilis si Olle papunta sa akin. Sa sobrang bilis ng takbo niya ay natumba kaming dalawa na nagtatawanan.
"Congratulations, Mama! Elle and I are super duper proud of you!" masayang bati sa akin ni Olle kung kaya't napayakap naman ako sa kanya.
"Oh siya, halika na kayo at lalamig na ang pagkain." aya ni Ninang sa amin.
"Paano ako? Walang babati sa akin? Baka nakakalimutan niyong naging yaya niyo ako noon?" hindi makapaniwalang sabi ni Amalia sa kambal habang natatawa lang kami ni Ninang.
Nagkatinginan naman ang kambal at parang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. Sinugod agad ng kambal si Amalia at siya naman ngayon ang napatumba sa sahig dahil pinugpog na siya ng halik ng kambal.
"Si Joseph, hindi ba siya makakapunta ngayon?" tanong ni Ninang sa akin.
"Bukas pa po siya Ninang, ngayon din kasi ang graduation nila." giit ko
"Bukas pa si Dada darating Mama?" malungkot na tanong ni Elle. Binigyan ko siya ng bahagyang ngiti.
Sa pabalik-balik ni Joseph na pagbisita sa amin ay napalapit na sa kanya ang kambal. Napagkakamalan na nga siyang ama nito. Minsan na ring nagtatanong sa akin ang kambal kong sino ba talaga ang ama nila.

BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Romance-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...